^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming workers ang ‘di pa nakatatanggap ng financial aid

Pang-masa
EDITORYAL - Maraming workers ang �di pa nakatatanggap ng financial aid

HANGGANG Abril 30 pa ang enhanced commu- nity quarantine (ECQ) at wala pang makapag-sabi kung matatapos na nga ito sa nakatakdang petsa. Sa pag-extend ng ECQ, ang labis na apektado ay ang mga manggagawang arawan dahil “no work, no pay” sila. At sa nakalipas na isang buwan na walang kayod, hindi na malaman ng mga manggagawang ito kung saan kukunin ang susunod na gagastusin para sa pamilya.

Ang labis na nakapagtataka, hanggang ngayon, mayroon pang workers na hindi nakatatanggap ang financial aid. Sabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) tatanggap ng P5,000 financial aid o subsidy ang mga nawalan ng trabaho. Ayon sa DOLE lahat ng mga manggagawang naapektuhan ng pagsasara ng establisimento ay makatatanggap ng tulong sa ilalim ng kanilang tinawag na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP). Nakasaad ito sa Department Order 209 na nilagdaan noong Marso 17, 2020.

Ayon sa direktiba, ang employers ang mag-aaplay para sa kanilang workers. Kailangan ding may establishment report kung paano naapektuhan ng pandemic ang negosyo. Kailangang may documentary requirements at isa-submit ito sa DOLE’s online application system. Susuriin umano ito ng labor officials at makakatanggap ang aplikante ng notice of approval o notice of denial sa loob ng 3 araw. Maaari raw ma-denied ang aplikasyon kapag may nakitang pandaraya sa documents.

Pero maraming workers ang nagsabing wala pa silang natatanggap na financial aid mula sa kanilang employers. Sabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, marami na silang naproseso at naapruba-hang aplikasyon mula sa employers.

Siyasatin ng DOLE kung may katotohanan na marami pang workers ang hindi nabibigyan ng financial aid. Kawawa naman sila na hindi malaman kung saang kamay ng Diyos hahagilapin ang panggastos.

 

vuukle comment

WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with