^

Punto Mo

EDITORYAL - Lungga ng droga ang Correctional

Pang-masa
EDITORYAL - Lungga ng droga ang Correctional

HINDI na nawala ang illegal drugs sa Correctional Institute for Women (CIW). Walang ipinagkaiba sa New Bilibid Prisons (NBP) na lungga rin ng illegal drugs. Kahit pa araw-arawin ang paggalugad, hindi maubus-ubos ang droga.

Noong Miyerkules, ginalugad ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Peno-logy ang Correctional at nakakumpiska ng shabu at maraming pera. Dakong 8:30 ng umaga nang isagawa ang “Oplan Galugad” at nakuha sa mga babaing preso na kinabibilangan ni Yu Yuk Lai ang mga sachet ng shabu at perang nagkakahalaga ng P100,000. Itinanggi naman ni Yu ang paratang na nagbebenta siya ng shabu. Hindi rin daw galing ang pera sa transaksiyon sa illegal na droga.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nahulihan ng droga at pera si Yu. Noong Nobyembre 2017, nakakumpiska sa selda ni Yu ang may P5 milyong halaga ng shabu at maraming tseke. Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang selda ng drug queen dakong 4:30 ng madaling araw at nakumpiska ang droga. Umano’y may link si Yu sa mga drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prison.

Ayon sa report noon ng PDEA, naipapasok ang shabu sa Correctional dahil inihahalo ito sa mga sako ng bigas na dinideliber doon ng anak ni Yu Yuk Lai. Bukod sa paghahalo sa bigas, inilalagay din sa pantyliners ang shabu. Makaraang salakayin ang selda ng drug queen sa Correctional, ang condo unit naman ng anak nito sa San Miguel, Manila ang sina-lakay at nakakumpiska ng milyong halaga ng shabu. Sinubukan pa umanong suhulan ang PDEA agents ng P5 milyon pero hindi nagtagumpay.

Talamak ang corruption sa Correctional na walang ipinagkaiba sa NBP sa Muntinlupa. Pera-pera lang ang katapat para makapagpasok ng shabu at iba pa. Masya-do sigurong malaki ang pinamamahaging pera sa mga namumuno sa Correctional kaya masyadong maluwag.

Nararapat nang ireporma ang Correctional. Sibakin lahat ang pinuno at pati guwardiya para mawalan ng koneksiyon ang drug syndicates doon. Kung hindi magkakaroon ng revamp, hindi malulutas ang bentahan ng droga sa bilangguan ng mga babae.

 

vuukle comment

CORRECTIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with