^

Punto Mo

1 oras na lunch break para sa mga empleyado, nakatakda sa batas

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Plano ko po magtayo nang malaking tindahan. Gusto ko po sanang laging may nakatao sa tindahan ko kaya ang isa sa mga iniisip ko ay kung gaano po ba katagal ang kailangang lunch break ng isang empleyado sa ilalim ng ating batas? Hangga’t maari ay ayaw ko po kasing mababakante ng tindera ang aking tindahan. -- Lani

Dear Lani,

Nakasaad sa Implemen-ting Rules and Regulations ng ating Labor Code na kailangang maglaan ang employer ng 1 oras na meal period o oras ng pagkain para sa kanyang mga empleyado.

Maaring mas maikli sa 1 oras ang ilaan na meal period sa mga empleyado ngunit kailangang alinsunod ito sa mga sumusunod na kondisyon:

1. Bagama’t mas maikli sa 1 oras, hindi rin dapat mas maikli sa 20 minutos ang meal period ng empleyado;

2. Kung mas maikli sa 1 oras ang meal period ay kailangan itong bayaran na parang pangkaraniwang oras ng trabaho; at

3. Maari lamang mas maikli sa 1 oras ang meal period kung hindi pisikal at mabigat ang trababo, kung hindi bababa sa 16 oras ang operasyon ng establisimento o kung ang pagpapaikli ng meal period ay dahil sa isang emergency o upang mapigilan ang pagkawala o pagkasira ng mga paninda.

Ayon sa batas, 1 oras ang dapat na lunch break ng isang empleyado at maari lamang itong paikliin (ngunit hindi mas maikli sa 20 minuto) alinsunod sa mga kondisyones na nabanggit.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice rito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

vuukle comment

BATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with