^

Punto Mo

Maari bang makapag-asawa kaagad ang biyuda matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nabiyuda po ako wala pang isang taon ang nakakaraan. Hindi man po maganda sa paningin ng iba ay may balak na po akong magpakasal muli ngunit may nakapagsabi sa akin na bawal daw ang pagpapakasal kaagad ng isang babae matapos mamatay ang kanyang asawa kaya maari raw akong makulong sa gagawin ko. Tama po ba ito?

Anna

Dear Anna,

Dati ay mayroon talagang probisyon sa ating Revised Penal Code na nagbabawal sa isang biyuda na makapagpakasal kaagad kung kamamatay lamang ng kanyang asawa. Nakasaad sa Article 351 ang tinatawag na “premature marriage” kung saan mapaparusahan ng arresto mayor (pagkakakulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan) at ng multang hindi hihigit sa limandaang piso ang sinumang biyuda na magpapakasal sa loob ng tatlong daan at isang araw mula ng kamatayan ng kanyang asawa.

Ipinagbabawal ito dati dahil magkakaroon ng pagkalito sa magiging ama ng sinumang ipagbubuntis ng biyuda dahil masyadong magkalapit ang mga panahong kasal pa siya sa namayapa niyang asawa at sa panahong bagong kasal na muli siya sa sumunod na asawa niya.

Ngunit pinawalang-bisa o ni-repeal na ng Kongreso ang Article 351 ng Revised Penal Code noong 2015 nang maipasa ang Republic Act No. 10655. Bagama’t umiiral pa rin ang mga probisyon ng Family Code na magtatakda sa kung sino ang magiging ama ng ipinagbubuntis ng isang babae ay hindi na ipinagbabawal ang kaagarang pag-aasawa ng isang biyuda kaya hindi ka na makukulong kung sakaling magpakasal ka na kaagad gayong kamamatay lang ng iyong asawa.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

vuukle comment

NABIYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with