^

Punto Mo

Tinidor na naimbento sa japan, nagagawang mas malinamnam ang pagkain

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG high-tech na tinidor ang naimbento sa Japan para gawing malinamnam ang pagkaing nakatusok dito. Ang tinidor ay gawa ng mga mananaliksik mula sa Meiji University at ayon sa kanila ay kaya ng kanilang tinidor na gawing mas malinamnam ang kahit anong pagkain kahit hindi ito lagyan ng asin.

Gumagana ang kakaibang tinidor na ito sa pamamagitan ng taglay nitong napakahinang boltahe ng kuryente. Dahil sa mahinang kuryente na mula sa tinidor ay magkakaroon ng chemical reaction sa pagkaing nakatusok sa tinidor kaya nag-iiba ang lasa nito.

Hindi naman daw mapanganib ang paggamit ng kanilang naimbentong tinidor ayon sa isa sa mga gumawa nito na si Hiromi Nakamura. Napakahina kasi ng kuryenteng dumadaloy sa tinidor kaya hindi nito makakasakit. Kusa rin itong namamatay matapos matusok ang pagkain kaya wala nang kuryenteng dumadaloy sa tinidor kapag isusubo na ang pagkaing nakatusok.

Ayon sa mga nag-imbento ng tinidor, malaki ang maitutulong ng kanilang imbensyon sa mga taong umiiwas sa mga pagkaing maaalat dahil hindi na nila kailangang lagyan pa ng asin ang kanilang mga lutuin. Kailangan lang nilang gamitin ang tinidor at siguradong magkakalasa na ang kanilang kinakain.

Matapos ang kanilang tagumpay sa kanilang naimbentong tinidor ay plano naman ng grupo ni Nakamura na gumawa rin ng isang pares ng chopstick na gumagamit din ng kuryente upang mabigyang lasa ang pagkain.

vuukle comment

PAGKAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with