^

Punto Mo

Coronavirus king ng NAIA

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HANGGA’T hindi tinatanggal ni BI Commissioner Jaime Morente si alyas Dennis ‘pisngi’ na kilala bilang ‘coronavirus king’ sa NAIA Terminal 2, patuloy pa rin magpapasukan ang mga illegal Chinese sa Philippines my Philippines na dumarating sa NAIA.

Binansagan ng bagong pangalan ni alyas Dennis ‘pisngi’ ng kanyang mga galit na kasamahan sa NAIA - Bureau of Immigration na ‘coronavirus king’ dahil wala itong tigil sa pagsalubong sa mga Chinese people kapalit ng salapi.

Sabi nga, escort with a fee!

Ayon sa mga sumbungero, si Dennis ‘pisngi’ ay matibay sa NAIA dahil may amo itong sumasalag sa kanya na isang alyas ‘Cuevas’ kaya malakas ang loob niya dahil alam nito na hindi siya kayang tanggalin kahit na si Morente pa ang may utos?

Naku ha!

Totoo kaya ito?  Abangan.

• • • • • •

Huwag mag-panic!

Natataranta ang madlang Pinoy sa mga naglabasang balita na nakapasok na ang sakit na novel coronavirus sa Philipppines my Philippines kaya tuloy natataranta ang ilan sa ating kababayan.

Pero ang sabi ng gobierno, don’t panic?

Naku ha!

Ang importante ay huwag magpadala sa mga sabi-sabi totoo kasing nakalusot ang isang Chinese bebot na nagkasakit ng coronavirus sa isang ospital sa Metro - Manila pero ito anila ay ginagamot sa ngayon at under observation ng mga doktor.

Basta ang importante ay  maging malinis sa katawan ang madlang people at uminom ng maraming tubig at mga vitamins para lumakas ang immune system at hindi basta-basta madapuan ng virus.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabing isang 38-years old na Chinese bebot ang may dala ng coronovirus, ginamot sa ospital at inoobserbahan dito ng mga doktor.

Dahil nakapasok na ang coronavirus sa Philippines my Phi-lippines na dala ng isang Chinese bebot ay pinahahanap naman ng gobierno ang mga nakasamang mga pasahero nito sa eroplano at hotel para masuri kung may mga nahawaan pa ito ng sakit.

Ang Chinese bebot ay dumating  galing sa Wuhan China last Janueary 21, 2020 at kumunsulta sa doktor last January  25.

Sabi ng mga bright people hindi dapat magpanic ang madlang Pinoy dahil hindi ito makakatulong sa problema basta ang importante ay maging malinis sa sarili at huwag basta-basta hahalo o pupunta sa mga matataong lugar na walang suot na face mask.

Sabi nga, para sa protection.!

Sa ngayon ay ginagawa naman daw ng gobierno ang dapat gawin para mapag-ingat ang madlang Pinoy.

Ano sa palagay ninyo? Abangan. 

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with