^

Punto Mo

Internal cleansing ng PNP, pinaigting ni Gen. Gamboa!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KAKASUHAN ang mga pulis na natuklasang gumagamit ng narekober o nakarnap na mga sasakyan alinsunod sa pina­igting na internal cleansing program na pinaiiral ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa. Itong kampanya ni Gamboa ay magiging nationwide at inumpisahan lang ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas sa buong Metro Manila noong Lunes.

Nagbabanta si Sinas na walang sasantuhin ang kampanya laban sa pulis na gumagamit ng narekober at nakarnap na sasakyan at tatamaan talaga ng kidlat ang sumusuway sa kautusan ni Gamboa. Nasa tamang landas lang si Gamboa dahil kapag wala nang pulis na tinatawag nating “ninja cops” at gumagamit ng mga dispalinghadong sasakyan, tiyak manunumbalik ang tiwala ng sambayanan sa ating kapulisan at presto....babango na naman ang imahe ng PNP, ‘di ba mga kosa?

Kung sabagay, itinaas na ni President Digong ang suweldo ng kapulisan at tama lang na hihigpitan din sila para sumunod sa mga batas, hindi ‘yung exempted sila. Araguuyyyy! Hak hak hak! At kapag sumuway sa batas dapat kasuhan para hindi na sila pamarisan pa ng kapwa at pati mga sibilyan.
Ang katwiran ni Sinas, kaya dumarami ang bilang ng nakaw na sasakyan, lalo na ang motorsiklo, dahil mabilis itong maibenta sa murang halaga sa mga pulis, na ang buong akala ay hindi sila hahabulin ng kapwa pulis nila. Hamakin mo ang nakaw na motorsiklo ay mabebenta na lang mula P3,000 hanggang P10,000 at hindi na kailangan ang papeles ukol sa bentahan nga.

At dahil pulis, hindi na ang mga ito nasisita sa kalye kahit dispalinghado o walang papeles ang mga motor nila. Get’s n’yo mga kosa? Kaya noong nakaraang Lunes mismo, nagkaroon ng lockdown sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at sa limang police districts kung saan ipina-implement ang Oplan Viserion. Nagsagawa ng inspection sa mga naka-parking at 58 sasakyan ang inisyuhan ng kung anu-anong violations. Siyempre, may mga motorsiklo ding natuklasan na walang plaka at may suspetsa na mga nakaw ito. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hindi nagkamali si Digong sa pagpili kay Gamboa bilang PNP chief!


Sinabi naman ni kosang Col. Remus Medina, ang intelligence chief ng NCRPO na inaasahan nilang bababa lalo ang bilang ng kriminalidad sa Metro Manila sa pinaigiting na internal cleansing program ni Gamboa. Dahil kasi sa kampanya vs droga, bumaba ang crime volume sa Metro Manila ng 6.12 percent nitong nagdaang 2019 kumpara sa 2018.

Siyempre, inaasahan ding bababa ang bilang ng karnaping dahil sa Oplan Viserion kaya abangan natin mga kosa ang datos ni Col. Medina sa darating na mga araw.Tumpak! Hak hak hak! Kaya kayong mga tiwaling pulis d’yan sa Metro Manila, may tsansa pa kayong magbago bago kayo tamaan ng kidlat ni Gen. Sinas. Kailan kaya hahambalusin ni Sinas ang mga pulis na tong kolektor, tulad ni Sgt. Raffy Padua ng SMART ng City Hall ng Maynila? Abangan!

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with