^

Punto Mo

Sugar Mommy (227)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makaalis ang traysikel na may kargang mangga at minamaneho ni Sammy kasama ang dalagita, nagpatuloy pa si Jane sa pagtatrabaho sa tabing sapa. Inalis ang mga tuyong dahon ng saging at niyog. Inipon sa malapit sa pampang ng sapa.

Pagkatapos maipon ay sinilaban ang mga iyon. Naamoy ni Jericho ang usok ng nasusunog na dahon ng saging at niyog. Ang usok, narinig niya noon pa, ay mahusay para maalis ang kulisap sa mangga at iba pang namumungang punong kahoy. Siguro iyon ang dahilan kaya sinilaban ni Jane ang mga tuyong dahon. Marami nang nalalaman si Jane sa tagal nang pagtira rito.

Makaraan iyon, nakita ni Jericho ni pumasok na sa kubo si Jane. Hinintay niyang lumabas pero hindi na.

Nagbabalak na si Jericho na puntahan ito pero nagpigil siya. Hindi pa panahon. Marami pa siyang dapat malaman. Kailangang ipagpatuloy pa niya ang pagmamanman kay Jane. Darating din ang panahon na hinihintay niya.

Maya-maya pa, nakita niya ang pagdating ng dalagita. Maaaring naibenta na ang mga mangga.

Sa puntong iyon niya tinext si Sammy. Magpapasundo na siya.

Sumagot agad si Sammy sa kanya.

Makaraan iyon ay dahan-dahan na siyang umalis sa kinakukublihan.

Pagdating niya sa tagpuan nila ni Sammy, naroon na ito.

Umalis na sila.

Habang nagbibiyahe patungong bayan, ikinuwento ni Sammy ang mga nangyari. Siya ang inarkila ng dalagita para magdala ng mangga sa bayan kanina.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with