^

Punto Mo

Sugar Mommy (223)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGULAT si Jericho nang akyatin ni Jane ang punong niyog sa ‘di-kalayuan. May dalang itak sa baywang si Jane nang umakyat. Walang kahirap-hirap na nakara-ting ito sa itaas. Nakita niyang tinaga ni Jane ang isang buwig ng buko. Naglaglagan ang mga buko.

Pagkatapos makuha ang mga buko, mabilis na bumaba si Jane at inipon ang mga nalaglag na buko. Nang maipon ay nagbukas ng isang buko. Sanay na sanay magbukas ng buko si Jane. Pagkatapos mabuksan ay uminom ito ng sabaw ng buko. Direkta mula sa buko ang pag-inom. Mabuti sa katawan ang sabaw ng buko. Iyon siguro ang dahilan kaya batang tingnan si Jane sa kabila na mahigit nang 60-anyos.

Nakakahanga ang ginawa ni Jane. Napangiti si Jericho sapagkat talo pa siya ni Jane sa pag-akyat sa niyog. Kahit minsan, hindi pa siya nakakaakyat sa niyog.

Pagkatapos ma­inom ang sabaw ng buko, muling hinarap ni Jane ang pagtatanim ng saging, niyog at iba pa.

Makalipas ang ilang oras, tumigil na sa pagtatrabaho si Jane. Pagod na marahil at mataas na ang sikat ng araw.

Pumasok na ito sa kubo.

Doon natapos ang pagsubaybay ni Jericho.

Tinext na niya si Sammy para sunduin.

Dahan-dahang nag­lakad si Jericho palayo sa kubo ni Jane. Bukas na uli niya ipagpapatuloy ang pagsubaybay kay Jane.

Nakarating siya sa lugar na usapan nila ni Sammy. Nagulat siya sapagkat naroon na ito at naghihintay.

“Kanina ka pa Sammy?’’

“Oo.’’

“Halika na. Bukas na lang uli ako babalik dito.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with