^

Punto Mo

Mister tinodas ng misis na ipinagtanggol ang driver

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binaril at napatay ng isang misis ang kanyang mister bilang pagtatanggol sa ginawa ng huli na pananaksak sa kanyang driver na pinagseselosan nito naganap kahapon ng umaga sa Brgy. Malagasang, Imus City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Roderick Linazan, 40, ng Green State Subd., Brgy. Malagasang 1F.

Habang nasa kritikal namang kalagayan sa pagamutan ang sinaksak ni Linazan na si Rolly Ayob, 32, ng Green Valley Subd. Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City, driver ng misis na suspek na si Mary Car Canete, 34, trader.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-10:10 ng umaga ay naabutan ni Linazan ang misis na si Canete at driver nitong si Ayob na umano ay magkadikit na magkatabi sa upuan.

Nagselos si Linazan at kinompronta si Ayob na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang una at sinaksak ang huli.

Kinuha ni Canete ang baril sa kanyang bag at pinagbabaril ang mister na duguang bumulagta at nasawi noon din.

Sa pulisya ay inamin ni Canete na sobrang nataranta siya sa pangyayari kaya’t nagawa niyang barilin ang kanyang mister.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with