^

Punto Mo

5-kilong barya, natagpuan sa bituka ng 62-anyos na lalaki!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGULAT ang mga doctor sa France makaraang ma­kita ang resulta ng x-ray ng 62-anyos na lalaki – punumpuno ng barya ang bituka nito. Ayon sa mga doctor, pumunta sa ospital ang lalaki na dumadaing na masakit ang tiyan at hindi makarumi. Agad siyang sinuri ng mga doctor at  isinailalim sa x-ray at natuklasan ang kagila-gilalas na pangyayari.

Dahil sa panganib na dulot ng mga barya, inoperahan ang lalaki para matanggal ang mga barya sa bituka. Ayon sa mga doctor, halos bumigay na ang mga lamanloob ng lalaki sa bigat ng mga barya na lampas limang kilo. Bukod sa mga barya, may mga nakuha ring alahas at karayom sa bituka.

Ayon sa mga doctor, maaaring 10 taon na ang mga barya sa bituka ng lalaki.

Ayon naman sa mga kaanak ng lalaki, matagal na itong may sakit sa pag-iisip kaya kumakain ng barya. Hindi umano nito mapigilang kumain ng barya at minsan pa nga raw ay nangungupit pa ito sa ibang tao para lamang magkaroon nang papapaking barya.

Ang tawag sa sakit ng lalaki ay pica kung saan hindi mapigilan ng maysakit ang pagkain ng mga bagay na hindi dapat kinakain. Ka­raniwan nang barya ang pinapa­pak ng mga may sakit na pica ngu­nit may iba na kumakain din ng buhok, posporo, sabon, at iba pang mga bagay na madaling isubo at lunukin.

Ayon sa mga doktor, ipinakita ng kakaibang kaso na ito ang importansiya ng pagkakaroon ng tamang pag-aalaga sa mga taong may sakit sa pag-iisip.

vuukle comment

COINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with