^

Punto Mo

Mga parking ticket sa Alaska, maaring bayaran ng peanut butter

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAYROON nang opsyon ang mga magkakaroon ng violation sa isang unibersidad sa Alaska sa kung paano nila babayaran ang kanilang mga ticket.

Maari na kasing bayaran ng mga matitiketan sa University of Alaska ang halaga ng kanilang multa sa katumbas na dami ng peanut butter sandwich.

Bahagi raw ito ng programa ng unibersidad para matulungan ang estudyante nilang nakakaranas ng gutom dahil sa kakulangan ng pambili ng pagkain.

Ayon sa mga opisyal ng unibersidad, katumbas ng $10 na multa ang dalawang 16-ounce na garapon ng peanut butter samantalang tatlo at limang garapon naman ang katumbas ng $35 at $60 na mga multa.

Dagdag pa ng opisyal na bukod sa peanut butter, tumatanggap din sila ng jam o jelly at tanging mga hindi pa nabubuksang mga garapon lamang ang kanilang tatanggapin.

vuukle comment

ALASKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with