^

Punto Mo

Co-maker ng utang, maari bang habulin kahit hindi naman nakinabang sa halagang hiniram?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Umutang po ang kaibigan ko sa isang lending institution at dahil hindi naman kalakihan ang sahod niya ay ni-require siya na kumuha ng co-maker upang maaprubahan ang kanyang loan. Pumirma po ako ngunit hindi naman ako nakihati sa halagang kanyang inutang. Ngayon po ay ako na ang hinahabol ng kompanya matapos pong hindi magbayad ang kaibigan ko. Maari ko bang idahilan sa kanila na hindi naman ako nakinabang ni piso sa inutang ng kaibigan ko?

Irene

Dear Irene,

Naka-depende pa rin sa kung ano mismo ang nakasaad sa kontrata pero kadalasan ang co-maker sa isang utang ay kailangang managot sa buong utang sakaling ang pangunahing nangutang ay hindi makabayad.

Kailangan mong basahin ang kontratang pinirmahan mo dahil kung may mga katagang “jointly and severally liable” o kaya’y “solidarily liable” ay malamang na pananagutan mo nga ang buong halagang inutang ng iyong kaibigan, nakinabang ka man sa halagang hiniram o hindi. Kahit ultimong interest sa utang ay maaring singilin sa iyo kung ganyan nga ang nakasaad sa inyong kontrata. Dahil kapantay mo ang iyong kaibigan pagdating sa pananagutan sa kanyang inutang, maari ka ring idemanda ng kompanya upang masingil ang halagang hiniram niya sakaling pareho kayong hindi makabayad.

Ang tangi mo lang remedyo ay maari mong singilin ang iyong kaibigan kung sakaling ikaw na nga ang magbayad ng kanyang inutang. Kung hindi ka niya mabayaran ay ikaw naman ang may karapatang magdemanda upang mabawi ang halagang ipinambayad mo upang sagutin ang kanyang inutang.

Nawa’y nasagot ko ang iyong katangunan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payo na nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

LOAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with