^

Punto Mo

Ang mga kamay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PINUPROBLEMA ni Emperor Frederick the Great of Germany kung paano aayusin ang budget ng kanilang bansa. Malaki ang tax na ipinapataw nila sa mga mamamayan ngunit kulang pa rin ang pumapasok na pera sa government treasury. Ipinatawag ng emperor ang lahat ng economists at financial analysts ng bansa upang tulungan siya sa kanyang problema.

Sa kalagitnaan ng miting, nakisali sa usapan ang tagasilbi ng alak sa mga bisita.

“Kanina pa po ako nakikinig sa inyong usapan pero wala pa rin kayong mabuo na konklusyon sa inyong problema. Puwede po ba akong makisali sa inyong usapan?”

Tumango ang emperor at sinenyasan ang tagasilbi na magsalita. Agad kinuha ng tagasilbi ang lagayan ng ice cubes. Dinakot ng kanyang kamay ang ice cubes. Ipinasa niya ang isang dakot na yelo sa katabi at sinabing ipasa ang yelo hanggang sa makarating ito sa kamay ng emperor na nakaupo sa pinakadulo. Nang makarating ang yelo sa emperor, iisa na lang ang buong yelo dahil natunaw na habang nagpapasa-pasa sa iba’t ibang kamay. Muling nagsalita ang tagasilbi:

“Mahal na Emperor, ganyan po ang nangyari sa pera ng bayan. Dahil sa rami ng kamay na humahawak, kakaunti na lang ang natitira para gamitin sa mga proyekto ng gobyerno. Sa madaling salita, mas maraming kamay ang humahawak sa pera, mas marami ang nakukurakot, mas kakaunti ang natitira para gamitin sa pangangailangan ng taumbayan.”

vuukle comment

EMPEROR FREDERICK THE GREAT OF GERMANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with