^

Punto Mo

Sugar Mommy (169)

Ronnie M. Halos - Philstar.com

“SA palagay mo, kaya nating magprepara ng kasal sa loob ng anim na buwan, Maia?’’ tanong ni Jericho.

“Oo, makakaya natin. Hindi naman engrande ang gagawin natin. Pami-pamil­ya at malalapit na kaibigan lang ang iimbitahin natin.’’

“Pero siyempre kukuha pa tayo ng lisensiya sa kasal at baka magseminar pa tayo sa munisipyo.’’

“Madali lang yun, Jericho.’’

“Saang simbahan ba ang gusto mo, Maia?’’

“Dun sa simbahan na malapit sa amin sa Makati – sa J.P. Rizal. May simbahan dun na madalas naming pagsimbahan.’’

“Talagang sa Makati kayo nakatira noon pa?’’

“Oo. Malapit kami sa dating PRC.’’
“PRC?’’

“Philippine Racing Club. Pero wala na yun ngayon. Mall na yun ngayon. Nasa harap kami ng PRC nakatira.’’

Napatangu-tango si Jericho.

“Ikaw baka mayroon kang maisa-suggest na simbahan na gusto mong dun tayo ikasal.’’
“Wala. Ikaw ang masusunod Maia. Kung gusto mo sa simbahan sa J.P. Rizal, dun tayo magpakasal.’’

“Sige.’’

“Ang reception, mayroon ka nang ideya, Maia?’’

“Wala akong ideya.’’

“Gusto ko sa isang sikat na restaurant. Ako ang bahala, Maia. Gusto ko dun sa sikat na restaurant.’’

“Baka naman mahal?”’

“Ako ang bahala, Maia.’’

Napag-usapan din nila kung sinu-sino ang kuku­ning mga abay. Pati na rin ang mga ninong at ninang.

Halatang tuwang-tuwa si Maia at excited kahit malayo pa ang target nilang pagpapakasal.

ISANG Biyernes na muli silang nagkita, may napansin si Jericho kay Maia. Parang nanghihina ito at namumutla.

Hanggang sa makaramdam ng pagkahilo si Maia.

“Nahihilo ako Jericho.’’

Hindi malaman ni Jericho ang gagawin.

Inalalayan ang nobya.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with