^

Punto Mo

Lalaki, naglakad ng 6 km sa Sahara habang pinatatalbog ang bola sa kanyang paa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG British soccer player ang nagdagdag ng Guinness World Record sa kanyang resume nang maglakad siya ng 6 kilometro sa Sahara Desert ng 1 oras habang pinatatalbog niya ang soccer ball sa kanyang paa.

Lumipad pa-Morocco si John Farnworth upang makapagtala ng bagong Guinness World Record. Upang magawa ito, kailangan niyang maglakad ng hindi bababa sa layong 3.4 milya o halos 6 kilometro habang jina-juggle o pinatatalbog ang bola sa kanyang paa.

Tagumpay naman si Farnworth, na nakapagtala ng bagong world record matapos lakarin ang 3.61 miles sa loob ng 1 oras.

Ayon kay Farnworth, ang pagsuong sa sandstorms ang pinakamahirap na bahagi ng kanyang world record attempt. Ang hirap daw kasing kontrolin ng bola habang hinahampas siya ng hangin at naliligo sa buhangin na dala ng sandstorm.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with