^

Punto Mo

Kinalakal na bangkay, inaksiyunan ng BITAG at ng governor ng Bulacan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALAKI ang suporta at paghanga ko sa mga taong ang puhunan ay respeto at tiwala ng kapwa, pero kung panloloko at panlalamang ang estilo mo, BITAG style ang matitikman mo.

Tulad na lang nitong ginang na nagmula pang Bulacan, nagigipit na’t walang ibang malapitan kaya sa BITAG na dinulog ang problema.

Agosto 2019 ng mamatay ang kanyang mister, dinaramdam ng ginang ang halos pagka-agnas na ng bangkay ng asawa’t halos mag-3 linggo ng naka burol dahil ‘di nila ito maipalibing dahil sa P15,500 pang utang sa punerarya.

Naisin man daw ng ginang na mag-promisory note na lang sana, ayaw naman daw ng kolokoy na funeral homes. Ang siste tinuruan pa raw siya ng may-ari ng Erlinda Funeral Homes na para makabawas-bawas ng utang ikalakal ang burol ng asawa niya ng kumita.

Mali na nga ang siste ng punerarya para tumanggi sa promisory, pinatungan pa ng ilegal na paglalako sa bangkay para mapagkakitaan ng instant sa pagpapasugal.

Ora mismong nakipag-ugnayan ang BITAG sa tanggapan mismo ni Gov. Daniel Fernando ng Bulacan upang makipagtulungan para makuha ang mala-hostage na bangkay sa inirereklamong Erlinda Villarin Funeral Homes.

Nang puntahan mismo ng BITAG Strike Force kasama ang mga tauhan ni Gov. Fernando ang inirereklamong punerarya, mismong ang may-ari nitong si Erlinda Villarin ang humarap sa amin.

Ayon kay Aling Erlinda, pagtulong lang daw ang naisip niya noong payuhan ang ginang na pasugalan ang bangkay ng mister nito sa ibang bayan upang makatulong sa pagpapalibing dito.

Pasok din daw sa kasong libelo ayon kay Atty. Batas Mauricio, Resident Lawyer ng BITAG Pambansang Sumbungan ang ginawang pagtuturo ng funeral homes ng ilegal na paraan upang makabayad ng utang na maaring makasira sa pangalan ng yumao.

Sa huli, nagkasundo na lang din si Aling Erlinda at ang ginang na gagawa na lamang sila ng promisory note para sa naiwang balanse upang mailabas na ng ginang ang bangkay ng kanyang mister upang maihatid na rin sa huling hantungan.

Malaking saludo’t pasalamat din namin sa walang kuskos balungos na pag-aksyon at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan at kay Gov. Daniel Fernando upang matugunan ang reklamo ng isa sa kanilang nasasakupan.

Mga boss, hindi kami anti-business dito sa BITAG lalo’t hindi namin layuning makasira ng pangalan. Pero kung garapal na may panglalamang at pang-aabuso, ako mismo, si Bitag ang hahambalos sa iyo.

vuukle comment

BITAG PAMBANSANG SUMBUNGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with