^

Punto Mo

Nagpapatupad ng ‘one-side parking’ tututukan ng MMDA

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mabuti at nabusisi nang husto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga one –side parking na ipinatutupad sa iba’t ibang lugar sa maraming mga barangay sa Metro Manila.

Talagang ang barangay ang may pakana sa ganito.

Biruin mo kung nagpapatupad ka ng one-side parking halos pinapayagan mo ang pagpa-park sa kalsada.

Talagang ginagastusan pa yan nang husto dahil nagpapagawa pa sila ng mga karatula na one-side parking na nakapaskil sa mga kalsada.

Sila pala ang nagsisilbing promotor para abusihin ang kalsada ng mga vehicle owner na walang  garahe at ang ginagawang paradahan ay ang daanan.

Eh komo, medyo masikip lalo na ang mga secondary road kailangan nilang gawin ang one-side parking.

Sangkaterba ang gumagawa ng ganyan, meron pa nga wina--one way ang kalsada para maparadahan ng mga sasakyan ang isang side.

Ngayon hindi pala basta-basta makapagpapatupad ng ganitong mga kautusan nang hindi dumadaan sa konseho.

Dapat pala merong umiiral na ordinansa bago ito ipatupad.

Kaya nga ang paalala dito ng MMDA,   iligal ito hangga’t walang ordinansang ipinapasa.

Nilinaw ni MMDA Traffic Supervisor Edison Nebrija na kinakailangan na maglabas muna ng ordinansa ang mga barangay na aaprubahan ng kanilang city council bago mag-implementa ng ‘one-side parking’.

Kaya nga dapat itong matututukan ng mga awtoridad at pasukin ang mga bara-barangay, naku maraming gumagawa nyan.

Kung merong ordinansa, handa namang igalang ng MMDA ang ordinansa sa road parking kung ipapasa ng mga lungsod. 

Hanggang Setyembre 27 na lamang ang deadline na ibinigay sa mga local governmemt units para malinis ang kanilang nasasakupan sa lahat ng mga sagabal sa daan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with