^

Punto Mo

Ina, pinade-deport ang anak sa Dubai!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALANG ina na gustong mapariwara ang kanyang anak. Gagawin ang lahat kahit pa makipagsapalaran sa ibang bansa mabigay lang ang magandang kinabukasan para sa pamilya.

Pero nitong nakaraang Martes, ibang klaseng ina ang inireklamo sa aming tanggapan. Humingi ng saklolo si Nanay Rodita Lacaba para ipa-deport ang kanyang anak na si Maribel Lacaba na “Tago nang Tago” (TNT) sa Dubai.

June 2018 nang iwan ni Maribel ang kanyang mga anak sa ina na si Nanay Rodita. Pero sa mahigit isang taon na pagtatrabaho ni Maribel sa Dubai, hindi niya nagawang kumustahin man lang ang mga anak at tatlong beses lang nagpadala ng pera na hindi na muling nasundan pa.

Hindi sumasagot sa tawag at sa messages si Maribel pero sa social media ay nagbubuhay dalaga. Parang ang dating e, happy go lucky samantalang ang mga anak ay nagtitiis na walang baon sa eskuwela.

Ang pobreng si Nanay Rodita, hindi na malaman kung papaano pa tutustusan ang mga iniwang apo dahil wala siyang hanapbuhay at may iniinda pa sa kanyang braso. Tuloy, desidido na si Nanay Rodita na ipa-deport ang anak na si Maribel mula sa Dubai para hindi na takasan ang responsibilidad sa kanyang mga apo.

Humingi kami ng ayuda sa Philippine Consulate sa Dubai at nangako naman ang Assistance to Nationals Head nito na hahanapin ang TNT na OFW.

Dalawang araw ang lumipas, nag-abiso ang Philippine Consulate sa Dubai na nahanap na ang kinaroroonan ng TNT. Kasalukuyan itong nasa Emirate of Ajman. Sa tulong ng Konsulado, maaari na itong makauwi sa susunod na linggo.

Live sa Pambansang Sumbungan, Aksiyon Ora Mismo, tinawagan namin si Maribel sa telepono. Gusto na rin daw niyang umuwi sa Pinas dahil hirap na siya sa kanyang kalagayan. Iligal siyang nakapasok sa Dubai at minalas sa napuntahang employer kaya tumakas.

Inamin niyang may hidwaan sila ng kanyang ina at hindi siya nakapagpadala ng pera simula nang tumakas siya sa amo. Si Nanay Rodita lang daw ang nagpupumilit sa kanya na magtiis sa Dubai para sa mga anak.

Pinasinungalingan niya ang sumbong ng ina. Imbes na tatlo ay pitong beses na raw siyang nakakapagpadala. Hindi rin daw totoo na happy go lucky siya sa Dubai dahil bilang TNT, hindi siya basta-basta kakalat-kalat sa lansangan.

Naging mainit at madrama ang pag-uusap ng mag-ina. Bilang nanghimasok na kami sa problema, marapat na pag-ayusin na sila’t isantabi ang personal na isyu at galit sa isa’t-isa.

Maraming pamilya ang nasisira sa pagtatrabaho sa labas ng Pilipinas. Sa umpisa naghihirap pero kapag nakatikim na ng sarap at ginhawa ay nakakalimot na sa totoong estado ng buhay, kinakalimutan na ang dahilan ng kanilang paga-abroad.

Isa lang ang reklamong ito sa mga epekto ng pangingibang-bansa. Bukas ang tanggapan ng BITAG na umalalay at tumulong sa anumang problemang kinasasangkutan ng ating mga OFW saanmang sulok ng mundo.

Isang karangalan na maging instrumento at parte ng pag-aayos muli ng isang pamilya.

vuukle comment

DUBAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with