^

Punto Mo

Sugar Mommy (85)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG matapos ang malikot na imahinasyon ni Jane ay nahiya siya sa sarili. Bigla siyang naka­dama ng panliliit kung bakit humantong siya sa ganoong pag-iisip. Para siyang bayarang babae! Para siyang hindi desente! Edukada pa naman siya at mahinhing kumilos.

Isinubsob ni Jane ang mukha sa unan at nanatili sa ganoong ayos nang may ilang minuto. Mali ba ang nagawa niyang pag-iima­d­yin? Humugot siya nang malalim na buntonghi­ninga.

Tumihaya siya. Nang tumingin sa kisame, nakita niya ang mukha ni Jericho. Nakangiti ito sa kanya.

Nakapagbigay ng gaan sa dibdib niya ang pagkakangiti ni Jericho. Para bang sinasabi ni Jericho na wala namang masama sa mga nangyari sa kanilang mainit na pagtatalik.

Imahinasyon lang naman ang mga iyon. Lahat nang normal na tao ay dumadaan sa ganoon kainit na sitwasyon.

Pumikit si Jane at nang magmulat, wala na ang imahe ni Jericho sa kisame.

Muling pumikit si Jane at nakatulog siya nang mahimbing.

UMAGA. Naghahanda sa pagpasok sa trabaho sina Jericho at Leo. Pagkatapos kumain ng almusal, mabilis ang kanilang paliligo at pagbibihis. Kailangang eksaktong alas siyete ng umaga ay nasa service bus na sila. Kapag hindi sila umabot, iiwanan sila ng service na umaalis ng 7:15 a.m. Kapag naiwan, magtataksi sila patungo sa kanilang lugar ng trabaho.

Kaya mabilis kumilos sina Jericho at Leo. Preparado na agad sila bago pa mag-7:00 a.m.

“Kailangan ay maliksing kumilos,” sabi ni Leo.

“Oo nga. Mabuti at naturuan mo ako, Leo.’’

“Dati mabagal ka pang kumilos pero ngayon, nauunahan mo na ako, ha-ha-ha!’’

“Salamat sa mga tip.’’

“Maiba ako, Jericho. Di ba sabi mo wala ka pang siyota?’’

“Oo.”

“Manligaw ka rito. Maraming nurse rito. Baka may makursunadahan ka.’’
“Baka alangan ako sa nurse.’’

“Hindi! Guwapo ka e. May kilala akong nurse, ipakikilala kita.’’

Napangiti lang si Jericho.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with