^

Punto Mo

20 Maka-tunaw-Pusong Kuwento

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

10. Wala sanang balak mag-asawa, pero…

BINATANG pulis si Jack Mook na nagsisilbing detective sa police station ng Pittsburgh, Pennsylvania. Ayon sa kanya, mas masaya ang buhay-binata dahil malaya siyang nakakagawa ng mga bagay na gusto niya nang walang nakikialam. Isa sa mga gawaing ikinasisiya niya tuwing off-duty ay magturo ng boksing sa mga bata nang libre. Isinasagawa niya ang pagtuturo sa sarili niyang gym. Sa dami ng batang tinuturuan niya linggo-linggo, naging malapit siya sa magkapatid na lalaking Josh at Jesse na ilang taon nang tinuturuan niya ng boksing.

Isang araw ay napansin niyang hindi na dumarating sa kanyang gym ang magkapatid. Tumagal ang hindi pagsipot ng mga ito sa boxing class. Pinuntahan niya ang school na pinapasukan ng nakatatandang si Josh. Nag-alala siya na baka kung ano na ang nangyari sa magkapatid. Kinausap niya nang masinsinan ang bata sa loob ng kanyang sasakyan. Biglang umiyak ang bata na sa pagkakilala niya rito ay hindi basta-basta umiiyak.

Ang magkapatid ay nakatira sa kanilang foster parents. Marami itong ipinagtapat sa butihing pulis na sobra nitong ikinabahala. Sa pagtatantiya ni Jack, malaki ang posibilidad na mapariwara ang buhay ng mga bata kung hindi niya aalisin kaagad ang magkapatid sa poder ng foster parents nito. 

Inireport ni Jack ang kondisyon ng mga bata sa Social Welfare at nagprisinta siyang maging foster parent as an emergency case. Pagkaraan ng mahaba at maabalang pagpoproseso ng pag-ampon sa magkapatid, naipagkaloob na rin ng korte na maging legal guardian siya ng mga bata. Mook na ang dina-dalang apelyido ng mga bata. Ang binatang ayaw mag-asawa ay naging instant daddy.

Ang pagiging instant daddy ang nagpabago ng pananaw ni Jack tungkol pag-aasawa. Sa kasalukuyan ay happily married na si Jack. Ama siya ngayon ng dalawa niyang ampon na pawang mga binatilyo na at tatlong stepchildren, anak ng misis niya sa unang pag-aasawa.

vuukle comment

PUSONG KUWENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with