^

Punto Mo

Lalaki sa Belgium, 5 araw umupo sa inidoro para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PARA sa world record ay limang araw na umupo sa inidoro ang isang lalaki sa Belgium

Umupo ng 116 oras o halos limang araw ang 48-anyos na si Jimmy De Frenne.

Layunin sana ni Jimmy na umabot sa 165 oras ang pag-upo niya sa inidoro ngunit hanggang 116 oras lang ang kinaya niya at sumuko na siya nito lamang nakaraang Biyernes.

Nakapuwesto ang inidoro sa gitna ng isang bar kung saan binisita si Jimmy ng mga kamag-anak sa limang araw niyang pagkakaupo.

Binigyan siya ng 5 minutong pahinga kada oras ngunit madalas ay iniipon na lang niya ito upang siya ay makahiga at makatulog ng ilang oras.

Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Guinness kung nahigitan na nga ba ni Jimmy ang dating world record, na umabot lamang sa 100 oras.

vuukle comment

WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with