^

Punto Mo

OFW kritikal sa Dubai!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMING sitwasyon na ang nakaabot sa BITAG hinggil sa overseas Filipino workers na nagnanais makabalik ng bansa. Ang dahilan, minalas at napunta sa mga abusadong amo o di kaya’y nagkakasakit dahil sa hirap ng trabaho.

Tulad na lang nitong sumbong na inilapit sa amin kamakailan ng isang ina, humihingi ng tulong para sa anak na nagtatrabaho bilang domestic helper at kasalukuyang comatose sa Dubai matapos atakehin sa puso.

Tourist visa lang daw ang gamit ng anak niya paalis ng Pilipinas kaya wala silang malapitang agency para sa kalagayan ng kanyang anak. Parang bulang naglaho na lang din daw ang employer ng kanyang anak.

Tila pinabayaan na lang daw ito matapos maihatid sa ospital ng atakehin sa puso, dumagdag pa sa bigat ng damdamin ng ina ay napag-alaman lang daw nila ang sinapit ng anak nang magmagandang loob ang isang Pinay na head nurse kung saan naka-confine ang anak.

Dahil sa hindi na nakikipag-ugnayan ang tila nakatuwad ang kokoteng amo ng anak, nagkandapatong-patong na rin daw ang lumalaking bills dahil walang umaasikaso nito sa loob ng 9 na araw na pagkaka-confine sa ospital.

Maselan ang mga ganitong klase ng sumbong lalo’t buhay ng isang kababayan natin sa ibang bansa ang nakasalalay. Nakipag-ugnayan ang BITAG kay Consul General Paul Raymund Cortes ng Philippine Consulate sa Dubai upang malinawan.

Ayon sa konsulada sa Dubai, mayroon naman daw insurance ang OFW dahil ito’y kasalukuyang employed ng atakehin sa puso, ang problema nga lang daw ay hindi kinikilala ng ospital ng Pinay ang insurance nito kaya lumaki ang bayarin.

Upang malinawan at maibsan man lang ang pangamba nito sa kalagayan at kahihinatnan ng anak na OFW, sinigurado ni ConGen. Cortes sa ginang na kanilang hahabulin ang employer ng Pinay upang mapanagot sa tinakbuhang responsibilidad sa OFW.

Sasagutin din daw ng pamahalaan ang lahat ng mga gastusin sa pag-repatriate sa Pinay OFW sakaling ito’y mabigyan na ng go signal para makapag-travel pauwi ng bansa. Nangako rin ang konsulada na magbibigay ng mga updates sa kondisyon nito habang naka-confine.

Dagdag ni ConGen. Cortes, handa ang pamahalaang tumulong sa lahat ng mga Pilipinong mangangailangan mai-repatriate pabalik ng Pilipinas, ito man ay may agency o kahit wala at mga direct hire.

Hindi man kami mga eksperto sa sitwasyong ganito, tutugon pa rin kami sa abot ng aming makakaya, katuwang ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng mga konsulada, Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration.

Handa ang BITAG na tumulong sa lahat nang dumudulog sa abot ng aming makakaya pero dasal pa rin ang pinakamatibay na sandata. Walang anumang bagay ang imposible kung may pananalig sa Maykapal.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with