^

Punto Mo

EDITORYAL - Lalo pang darami ang maaadik sa jueteng

Pang-masa
EDITORYAL - Lalo pang darami ang maaadik sa jueteng

MAS pabor si President Duterte na mamayani ang jueteng kaysa droga. Kapag daw kasi ipinatigil ang jueteng, mapapalitan ng illegal drug trade at hindi raw maganda ito. Kaya mas maganda na ang jueteng.

Sa ipinahayag ng Presidente, maaaring hindi na mawala sa buhay ng mga mahihirap na Pinoy ang jueteng.

Masama talaga ang jueteng. Maraming umaasa na mananalo sa jueteng kaya kahit ang pambili ng isang kilong bigas at isang lata ng sardinas ay sinasapalaran pa rito. Pero mas madalas ang talo dahil may daya ang jueteng. Ang laging nananalo ay ang bangka o nagkakapital.

Dalawang taon na ang nakararaan, sinabi ni Duterte na wawasakin ang illegal gambling sa bansa at kabilang dito ang jueteng na daan-taon nang namamayani sa komunidad. Kadalasang sa mga mahihirap na lugar sa bansa laganap ang jueteng.

Isang task force on illegal gambling din ang kanyang nilikha para i-overhaul ang small-town lottery (STL) na nagiging front ng jueteng, masiao, two balls at iba pang illegal na sugal sa bansa. Plano ng task force na wakasan na ang mga illegal na sugal sa bansa lalo nga ang jueteng. Inisyu pa ni Duterte ang Executive Order No. 13 na nagbubuwag sa lahat ng illegal gambling kasama ang jueteng. Inatasan niya si dating PNP chief Director General Ronald de la Rosa at iba pang law inforcement agencies na arestuhin ang lahat nang nagmi-maintain ng illegal gambling kasama ang jueteng. Nagyabang naman si De la Rosa at sinabing anim na buwan lang at buwag na ang illegal gambling kasama ang jueteng. Pero walang nangyari sa EO 13 sapagkat nagpatuloy ang jueteng. Nagretiro na si Dela Rosa sa PNP at senador na ngayon pero ang jueteng namamayani pa rin.

Lalong pinalakas at pinatibay ng Presidente ang jueteng dahil sa kanyang pagpabor dito. Sa halip na wasakin para wala nang malulong dito, binasbasan pa. Maaari namang sabay wasakin ang jueteng at droga e kung bakit nagbago pa ng posisyon ukol dito. Dapat nang mawala ang sugal na ito, nililimas lang ang karampot na pera ng mahihirap.

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with