^

Punto Mo

‘Mas maloko ako!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

(Kapag nabuwisit si Bitag)

MARAMING nag-aakala na dahil brusko ako, si BITAG, lagi akong seryoso. Nakakatakot kapag nagsasalita dahil sa no holds barred kong istilo.

Totoo, nagiging beast mode pa nga ako kapag ang kaharap ko ay makukulit na complainants na ang tingin sa akin ay muchacho at ipinipilit ipagawa sa akin ang gusto nilang mangyari kahit na mali at baluktot naman.

Nitong nakaraang linggo, isang ina ang emosyonal na  dumating sa aming tanggapan upang magpatulong na makausap ang anak na nasa South Korea. 

Dati na siyang nasa South Korea kasama ang anak pero pinauwi rin siya nito sa Pilipinas. Simula noon ay hindi na raw sila nagkausap kaya matindi na ang kanyang pag-aalala.

Pero iba ang aking natuklasan. Nadiskubre namin ang chat messages mula sa kanyang anak na tila naiinis sa pangungulit niya rito. Stress at sakit ng ulo lang daw ang sinapit ng anak niya sa paninirahan ng kanyang ina sa kanyang poder.

Ilang beses ko nang pinaintindi sa ina na bigyan muna ng espasyo ang anak niya dahil may sarili naman na itong pamilya. Ilang ulit ko nang pinayuhan ang ina na huwag kulitin ang anak na makipag-usap sa kanya dahil baka lalo lang itong lumayo, ngunit ‘di niya ako pinakinggan.

Nakipag-ugnayan na rin kami kay Dr. Camille Garcia, ang aming resident Clinical Psychologist na eksperto sa mga usapin at problemang pampamilya. Pareho kami ng payo ni Dr. Garcia. Biruin n’yo, eksperto na ‘yan pero ‘di niya pa rin pinakinggan.

Sa totoo lang mga boss, buwisit na talaga ako dahil inuutusan pa niya ako na tawagan ang kanyang anak sa Korea. Hindi ho ako utusan. Kapag alam kong wala naman sa tama ang hiling ng aming complainant ay hindi ko ‘yun gagawin.

Tayong mga indibidwal kung minsan ay di natin nakikita ang ating pagkakamali kapag di tayo tumitingin sa salamin. Kami bilang Pambansang Sumbungan, handang maging inyong salamin upang makita ninyo ang tunay problema.

Ang taong ayaw tumanggap ng suhestiyon, eh hindi malulutas ang problema. Kung sarili mo lang ang pakikinggan mo ay siguradong walang mangyayari sa’yo.

Kaya sa mga ganitong pagkakataon, imbes na magalit ay lumalabas lalo ang aking kapilyuhan. Ika nga nila, “laughter is the best medicine”.

Napatawa ko siya, napatawa ko ang iba pang nagrereklamong nakapila sa aming action center na may mas mabigat pang sumbong, at napatawa ko rin kayong manonood.

Hindi ako naglalaro, pero mas mabuti na iyon kaysa tuluyan kaming hindi magkaintindihan. May mga sitwasyon kasing kailangan nating pagaanin, pababawin upang mas maunawaan.

Uploaded na sa BitagOfficial YouTube Channel.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with