^

Punto Mo

‘Salarin’ ng wikang Filipino

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MABAGSIK ang paratang ng tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino na si National Artist Virgilio Almario na ang mga paaralan ang pumapatay sa wikang Filipino. Reaksyon niya ito sa pagpapatibay ng Supreme Court sa nauna nitong desisyon na pumapabor sa hakbang ng Commission on Higher Education na tanggalin na ang wikang Filipino bilang pangunahing subject sa kolehiyo.

 “Wala namang sinabi ang Supreme Court na patayin ang Filipino. So yung pumapatay, hindi yung Supreme Court kundi yung mga administrador ng colleges and universities. Tayo naman ay hindi laban sa Ingles. Pero yung tinututulan natin ay yung pangyayari na Ingles lang ang kailangang maging medium of instruction,” dagdag pa ni Almario. Malinaw anya na nakasaad sa Konstitusyon na dapat pagyamanin ang pambansang wika.

Maaaring may basihan ang akusasyon ni Almario pero marami naman talagang mga kolehiyo at pamantasan sa bansa sa kasalukuyan ang ginagawang pangunahing lengguwahe sa kanilang mga institusyon ang wikang Ingles, hindi lang sa pagtuturo, kundi sa sistema rin ng kanilang mga komunikasyon sa akademiya. Bukod dito, apektado sa patakarang ito ang mga guro sa mga Filipino subject na maaaring nameligrong mawalan ng trabaho.  Maaaring sabihing puwede naman silang lumipat sa elementarya at hayskul na patuloy pa ring merong mga subject na Filipino o maaari naman silang magturo ng iba pang subject sa kolehiyo.   Kaso nga, tinatalo nito ang adhikain ng Konstitusyon na maisulong ang pambansang wika. Ano ang makikintal sa isip ng mga kabataang estudyante na mula pa lang sa elementarya hanggang hayskul at kolehiyo ay tinuturuang  maging makabayan at magmahal sa sariling atin partikular na sa pambansang wika? Tuwing Agosto, binibigyan ng maraming aktibidad ang mga estudyante para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika nang sa gayon ay makintal sa kanilang isip at puso ang pagpapahalaga sa pambansang wika. Pagkatapos, magugulantang na lang silang tinanggal na pala ang Filipino sa kolehiyo. 

Wala namang pagtatalo sa kahalagahan ng Ingles lalo na at isa itong pangunahing lengguwahe sa mundo pero may mga bansa na umunlad at umasenso kahit sarili nilang wika ang pangunahing ginagamit nila sa pagtuturo sa kanilang mga eskuwelahan. Nariyan halimbawa ang Japan, China at South Korea. Hindi Ingles ang sistema ng komunikasyon sa kanilang mga akademya kundi ang sari-sarili nilang wika.

Anumang reaksiyon sa kolum na ito ay ipadala sa email na [email protected]

 

vuukle comment

FILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with