^

Punto Mo

Pinakamataas na bamboo statue sa mundo, matatagpuan sa Pilipinas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG istatwa ng santo sa Pilipinas na may taas na 164 feet, 9 inches, ang kinilala ng Guinness World Record na pinakamataas na bamboo sculpture sa mundo.

Sinukat mismo ng Guinness ang istatwa ni St. Vincent Ferrer na matatagpuan sa St. Vincent Ferrer Prayer Park sa Bayambang, Pangasinan bago nila ito opisyal na kinilalang pinakamataas na iskultura sa mundo na gawa sa kawayan.

Inisponsoran ng mga mamamayan ng Bayambang at ng Kasama Kita Sa Barangay Foundation ang istatwa, na inabot ng isa’t kalahating taon ang pagtatayo mula sa 22,626 bamboo panels o katumbas ng 60 tonelada ng kawayan.

Ginawa ang istatwa bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-400 anibersaryo ng parokya  ni St. Vincent Ferrer, na patron ng Bayambang.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with