Pinaka-mahabang strawberry cake sa mundo, ginawa sa Italy
ISANG grupo ng panadero sa Italy ang nagtala ng bagong Guinness World Record nang magawa nila ang isang strawberry cake na halos 200 talampakan ang haba.
Nasa 300 oras ang ginugol ng mga panadero sa paggawa ng 198.4 talampakang cake na ipinakita sa publiko sa Scanzano Jonico, Italy.
Nahigitan ng cake nila ang 105-talampakang cake na ginawa sa France noong 2017.
Ginawa ng mga panaderong sina Salvatore Di Trani, Dolce Voglia di Dartizio/Rapanaro, Dolci Privilegi di Angelo Corbino and Vincenzo Mastropierro ang cake sa tulong ng isang team ng volunteers.
Gumamit ang grupo ng 800 kilong strawberries.
Ang world record attempt ay inorganisa ng kompanyang Piraccini Secondo na nag-supply ng strawberries para sa cake.
- Latest