^

Punto Mo

‘Instant six-pack abs’ alok sa Thailand

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAY magandang balita para sa mga tamad mag-work out dahil may isang ospital sa Thailand na nag-aalok ng operasyon para sa mga gustong magkaroon ng “six-pack abs” na ayaw dumaan sa ehersisyo at diyeta.

Ang kakaibang ope-rasyon ay iniaalok ng Masterpiece Hospital sa Bangkok at ayon sa CEO ng ospital na si Raweewat “Sae” Maschamadol, nakatatanggap sila ng 20 hanggang 30 pasyente taun-taon na gustong magkaroon ng “instant” abs.

Sa halip na gumamit ng silicone implants ay “inuukit” na lang ang abs sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga tabang nakapalibot sa tiyan ng pasyente upang lumabas ang tinatawag na “six-pack”.

Hindi lang naman daw para sa mga tamad ang ope­rasyon dahil may mga katulad ni Ome Pangpaparn na sa kabila ng pagdidiyeta at pag-eehersisyo ay hindi pa rin makuhang magkaroon ng “six-pack abs”.

Ayon kay Ome, ginawa na raw niya ang lahat kaya ipinauubaya na lang sa doktor ang kailangan pang gawin upang makamit na ang inaasam na “six-pack”.

vuukle comment

SIX-PACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with