^

Punto Mo

Makalinga Centers, itatayo ng PCSO sa Mindanao!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KUMILOS na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para tugunan ang problemang dulot ng sandamakmak na pasyente at mga bantay nila sa mga malalaking ospital sa Mindanao.

Hamakin n’yo mga kosa halos 650 walk-in patients ang binibigyan ng attention sa emergency at trauma rooms ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) kada araw at 400 naman ang sa Davao Regional Medical Center (DRMC) kaya hilong-talilong ang mga doctor, nurses at iba pang trabahador doon.

Hindi lahat sa kanila ay mabibigyan lunas kaagad kaya kalimitan ay nasa waiting list. Kung mga 3 araw bago maasikaso ang mga pasyente, ganun na rin ang bilang ng araw na nakabuntot sa kanila ang kanilang mga bantay.

Ang problema walang facility ang SPMC at DRMC para tugunan ang personal na pangangailangan ng mga waiting list na mga pasyente at kanilang mga bantay, na kadalasan pati ang pagpaligo ay bokya pa. Araguuyyy! Enter ang PCSO sa problema!

Sa ginanap na PCSO Board meeting sa Davao City, napagkasunduan na magpapatayo ng 8-storey multi-purpose Makalinga Center sa SPMC at 5-storey naman sa DRMC na nagkakahalaga ng P268 milyon. Biro n’yo, hindi lang pala taga-Davao ang nagpapagamot sa dalawang health institution dahil pati taga-Bukidnon ay umaabot pa roon.

Kaya malaking bagay ang naisip ng PCSO na proyekto dahil sa konting panahon lang ay maiibsan na ang paghihirap ng mga waiting list na patients at kanilang mga bantay. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Nasa tamang landas ang pamunuan ni PCSO OIC Gen. Man. Anselmo Pinili sa proyektong ito. Tumpak!

Sa totoo lang, nagpatayo na si President Digong noong mayor pa siya sa Davao, ng tinatawag na Balay Pahuwayan para sa waiting list patients at mga bantay nila subalit hindi ito sapat dahil sa sobrang dami ng mga nagpapagamot sa 2 ospital.

Kaya tama lang ang desisyon ni Pinili na bigyan naman sila ng tamang lugar na pahingahan at paliguan, di ba mga kosa? Kasama ni Pinili si PCSO director Sandra Cam nang magsagawa sila ng ocular inspections sa SPMC at DRMC, kung saan ang huli ay nagpamudmod pa ng mga -tshirts para sa out-patients at mga bantay nila. Sinabi ni Cam na “smart investment” ng gobyerno ni Digong ang project ng PCSO.

“Yung nagbabantay sa pasyente pagkatapos mag-alaga sa ospital baka sila naman ang magkasakit dahil na-exposed sila sa stress, walang matulugan nang maayos, hindi makaligo. Lalo yung mga kababaihan, bata at PWDs. Dagdag gastos pa ito sa pamilya kaya ito ang ating tutugunan,” sabi pa ni Cam. Hak hak hak! Mabuhay si Mam Sandra!

Sinabi naman ni Atty. Gay Alvero, chairperson ng Gender and Development Focal Point System(GAD-FPS), na kaya sa Mindanao itinatag ang proyekto dahil ang mga lugar ay matawag na less-serviced area sa kanilang hospitalization assistance program.

Ayon pa kay Alvero, kaya napili ang SPMC at DRMC dahil sa strategic nilang role bilang government tertiary hospital sa Mindanao. Ang magandang balita naman mga kosa ay nangako ang management ng SPMC at DRMC na sila na ang mag-provide ng lugar kung saan itatayo ang proyekto. Hak hak hak! Kaya konting tiis na lang mga kosa ko sa Mindanao dahil may hulog ng langit na proyekto para sa inyo ang PCSO. Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with