^

Punto Mo

Konsehal sa New York, pinakamatangkad na pulitiko sa buong mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG konsehal na miyembro ng New York City Council na may tangkad na 6’ 10” ang tinanghal na pinakamatangkad na pulitiko ng Guinness World Records – ngunit isang mayor ang maaaring umagaw sa kanyang titulo.

Kinumpirma ng Guinness na ang 53-anyos na si Ro­bert Cornegy, isang city councilman mula Brooklyn, ang pinakamatangkad na pulitiko sa buong mundo matapos niyang makuha ito sa dating world record holder na 6-foot, 7 1/2-inch lamang ang tangkad.

Kinailangang sukatin si Cornegy ng Guinness ng anim na beses sa loob ng isang araw upang mag-qualify siya sa world record title.

Mukha namang hindi magtatagal kay Cornegy ang titulo dahil ang mayor ng Warrenville Heights, Ohio na si Brad Sellers, ang maaring pinakamatangkad na pulitiko sa buong mundo.

Pitong talampakan ang dating Chicago Bulls basketball player ngunit hindi pa siya nag-aaplay upang opisyal na kilalanin ng Guinness para sa record.

vuukle comment

NEW YORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with