^

Punto Mo

Higanteng hula-hoop, pinaikot ng mag-ama sa India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BINASAG ng isang mag-ama sa India ang isang Guinness World Record matapos silang lumikha ng higit 17-talampakang hula-hoop at paikutin ito.

Kinumpirma ng Guinness na nakapagtala ng bagong world record ang 51-anyos na si Krishan Bhatia at ng kanyang 16-anyos na anak na si Kshitij Bhatia nang halili nilang pinaikot ang dambuhalang hula-hoop na nilikha.

Nahigitan nila ang dating world record na naitala ni Yuya Yamada ng Japan, na pinaikot ang isang 16-talampakang hula-hoop.

Pinaikot ng mag-ama ang halos 19-pound na hula hoop para sa kanilang world record attempt na ginanap sa Meghdootam Park sa Noida, India.

Ayon kay Krishan Bhatia, dinisenyo ng kanyang anak na babae na si Prachi Bhatua ang higanteng hula-hoop. Sa hilig daw ni Prachi sa paghu-hula-hoop ay may sarili na raw itong kompanya na gumagawa ng nasabing laruan.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with