^

Punto Mo

Pollution na likha ng sachet

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

WALA namang binabanggit na partikular na klase ng mga produkto ang Global Alliance for Incinerator Alternatives  nang ipalabas nito kamakailan ang resulta ng isa nitong pag-aaral  hinggil sa problema ng plastic pollution sa bansa. Ayon sa pag-aaral nito, halos 164 milyong piraso ng plastic sachet ang itinatapon ng mga Pilipino araw-araw. Ito iyong mga sachet na gamit na at siyempre, basyo na lang o wala nang laman. Taon-taon, 59.8 bilyong piraso ng plastic sachet ang ginagamit sa Pilipinas.

Nilinaw naman sa pag-aaral na hindi naman ang panga-ngasiwa at pagtatapon sa mga basurang nalikha ng mga plastic sachet ang problema kundi ang sobrang dami ng nalilikhang mga ganitong plastik na balutan o lalagyan kaya panawagan sana nila sa mga manufacturer na bawasan sana ang paggawa ng mga ganitong plastic packaging na natatapon lang pagkagamit.

 “Hindi naman isang problema sa basura ang plastik,” sabi pa sa pahayag ng naturang organisasyon. “Isa itong problema sa polusyon. Nagsimula ito nang gawin ang plastik. Dahil walang ibang mapamimilian ang mga tao kundi ang plastic packaging, napipilitan silang maging katuwang sa krisis sa plastic pollution.” Ipinahiwatig na dapat magkaroon ng alternatibo rito. Hindi nga lang malaman kung anong puwedeng alternatibo rito.

Isa pa naman ang sachet sa bunga ng makabago nating panahon na nagpapaluwag sa araw-araw na buhay ng maraming Pilipino lalo na ng mga mahihirap. Kahit ano pa man ang laman niyan- sabon, toothpaste, shampoo, conditioner, pulbos, mga pampakintab sa buhok at sapatos, hair dye,  kape, gatas, tsokolate, asukal, palaman sa tinapay, at iba pa- naging magaan sila sa bulsa, matipid at nabibili kahit sa sari-sari store lang o convenience store o sa mga bangketa.   

Kaso nga, gawa sa plastik ang halos karamihan ng mga sachet na ito. Bukod diyan, binabanggit din na problema sa naturang pag-aaral ang hinggil sa mga plastik na shopping bag at diaper.  57 milyong shopping bag ang nagagamit sa Pilipinas araw-araw (20.6 bilyon taon-taon) at 45.2 milyon kada araw naman ang sa plastic labo bag (iyong maliliit, maninipis at transparent na plastik na supot). Ayon pa sa ulat, tatlong milyong diaper araw-araw o 1.1 bilyong diaper bawat taon ang itinatapon ng mga Pilipino. Siyempre, gawa sa plastik ang karamihan ng mga diaper.  At plastik ang isa rin  sa mga dahilan ng pag-iinit ng klima ng mundo o global warming.

At, dahil hindi madaling matunaw ang mga plastik, bigla kong naalala iyong mga ulat hinggil sa mga plastik na nakukuha sa tiyan ng ilan sa klase ng mga nahuhuling isda sa mga karagatan sa mundo. Ganito katindi ang problema sa plastic pollution. Hindi natin namamalayang nakakain natin ang plastik na napapasama sa sistema ng mga isda.

164 milyong plastic sachet araw-araw ang natatapon? Napakarami nga lalo na kung iisipin ang bilang nito nang buwanan at taunan. Itinatapon na lang pagkaubos ng laman. Ibig sabihin, hindi na magagamit. Maganda sana kung puwede silang i-recycle.  Pero hindi naman lahat ng tao ay nagagawa o magagawang maging mapanlikha at makapag-recycle ng mga plastic na bagay. Baka nga kailangan ng tulong ng lahat, hindi lang ng mga consumer at ng pamahalaan kundi maging ng mga tagagawa rin ng mga produktong gumagamit ng plastic sachet.

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay e-email sa [email protected])

vuukle comment

POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with