^

Punto Mo

Palpak na Manila Water

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BINATIKOS ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Jericho Nograles ang Manila Water sa paninisi kaya nagka-hetot, hetot ang supply ng tubig nila ay dahil sa El Niño kaya may nangyayaring water shortage sa Metro Manila.

Sabi ni Nograles, kapabayaan ito ng kumpanya dahil sa pakaang-kaang sila.

“The water interruptions are localized within the concession areas of Manila Water. This is simply mismanagement. Manila Water should be truthful to the public instead of blaming Mother Nature for their negligence,” kuento ni Nograles.

Nagpabaya ang Manila Water dahil masiado silang nagtiwala kaya naman ang inaasahan nila sa pagkuha nila ng tubig ay ang La Mesa dam.

Noong wala pang problema ay hindi sila nag-upgrade para sa mga ganitong panahon para hindi nila pinahihirapan ang kanilang mga consumers na halos magwala sa problemang dulot ng kapalpakan nila.

Kaya tuloy hindi kinakagat ng MWSS ang pambobola nila na ang El Niño ang may kasalanan ng lahat?

Naku ha!

Ano ba ito?

Nagpapasalamat ang madlang people sa Maynila dahil kahit papaano ay tumutulong ito sa pagrarasyon ng tubig sa mga wala, kaya naman malaking utang na loob nila kahit hindi sila consumer nang kumpanya.

‘Hindi nila kasi ginaya noon ang Maynilad sa ginawang pag-upgrading  ng kanilang system kaya wala silang problema sa ngayong tag-init.

Kung hindi kaya ng Manila Water serbisyuhan ang kanilang mga consumers dapat ibigay na lamang nila sa Maynilad para ito ang  mag - take over,’ sabi ni Nograles.

Kailangan busisiin ito ng kongreso.

Naisip ba ng Manila Water Company na baka bumagsak ang ekonomiya sa kapalpakan nila ?

Sino nga naman foreign tourist ang pupunta sa Metro - Manila kung ganitong mahirap ang tubig ?

Ang init ng nga, wala pang tubig ?

Buti nga at nakakapagtimpi pa ang madlang pinoy sa Metro - Manila na walang tubig, nagpupuyat at pumipila para makakuha ng tubig paano kung magwala ang mga ito ?

Ano sa tingin ninyo ?

Boss Digong, what shall we do ?

Abangan.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with