^

Punto Mo

May mahika sa likod ng ‘tiwala’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

DATI ay isang mabuting ama at asawa si Pepe. Nagsimula ang kanyang masamang bisyo nang sumama sa ibang lalaki ang kanyang asawa. Napabayaan niya ang kaisa-isang anak na lalaki kaya isang araw ay nagising na lang siya na bitbit ng mga taga-DSWD ang kanyang anak.

Doon daw muna sa panga­ngalaga ng gobyerno ang kanyang anak dahil mapapariwara lang ito sa amang kagaya niya. Nagrebelde ang kalooban ng drug user kaya sa isang saglit ay pinasok na rin niya ang pagiging drug pusher. Ito ang naging mitsa para siya makulong.

Sinuwerte naman, sa hindi malamang dahilan ay tatlong taon lang ang itinagal ni Pepe sa kulungan. Umuwi siya sa kanilang bahay kasama ang pangakong magbabago na siya, maghahanapbuhay sa malinis na paraan upang mabawi ang pinakamamahal na anak. Pero mabato at lubak-lubak ang daan tungo sa pagbabagong buhay.

Palibhasa’y ex-convict, pakiramdam niya’y kinamumuhian siya ng mga kapitbahay. Wala sa kanyang bumabati o kumakausap man lang. May nabuo tuloy sa kanyang isip. Babalikan niya ang pagtutulak ng shabu. Pupuntahan niya kinabukasan ang dati niyang bosing sa pagtutulak. Tutal magpakabuti man o hindi ay masama pa rin ang tingin sa kanya. Pero hindi natuloy ang kanyang binabalak dahil kinaumagahan…

“Pepe, marunong ka pa bang magpintura ng bahay?”

“Aba, ikaw pala Engineer! Oo naman. Malilimutan ko ba iyon? E, dati ko nang hanapbuhay iyon.”

“Kulang ako sa tauhan. Malaki ‘yung bahay na kinontrata ko. Puwede na ba kitang isama ngayon?”

“Wala pong problema! Kailangang-kailangan ko po ang trabaho ngayon.”

Dati na siyang nagtrabaho kay Engineer pero napatigil lang dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Iyon ang naging inspirasyon niya para tuluyang magpakabuti—pagtitiwala sa kanya ni Engineer. Ang sarap ng pakiramdam na malaman mong may isa pang natitirang tao na nagtitiwala sa iyo. Hindi nagtagal ay nabawi niya ang pinakamamahal na anak sa DSWD.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with