^

Punto Mo

Gen. Anduyan, nagpasiklab na naman

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGPASIKLAB na naman si Chief Supt. Rolando Andu-yan, ang director ng Northern Police District (NPD) nang i-raid ng mga tauhan n’ya ang bahay ng negosyanteng si Ivan Ong Lee sa Malabon at nakakumpiska sila ng mga loose firearms.

Sa totoo lang, itong si Lee, may-ari ng isang security agency ay  nag-iisyu ng baril sa kanyang mga tauhan na walang lisensiya at iba pang papeles sa Firearms and Explosive Office (FEO) sa Camp Crame. Itong kampanya ni Anduyan vs loose firearms ay noong isang taon pa sinimulan at sa katunayan, umabot na sa 243 baril ang nakumpiska o isinuko sa NPD.

Di ba isang kaso lang ng indiscriminate firing ang naitala sa NPD noong New Year revelry at ayon kay NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar ay nahuli naman ang suspect? Sa pakikipagtulungan ni Chief Supt. Val de Leon, ang hepe ng FEO, na-trace ang mga may loose firearms sa CAMANAVA area kaya’t isa itong si Lee ang inabisuhan na isuko na ang mga armas sa pag-iingat n’ya.

Subalit dahil sa katigasan ng ulo ni Lee, nag-apply ng search warrant itong si Anduyan sa chamber ni Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada ng Malabon RTC at hayun nai-serve ito sa bahay ng negosyante sa No. 4 Sampaguita St., Araneta Village, Potrero noong Biyernes. Nakumpiska ng team leader na si Insp. Rolando Domingo ang dalawang kalibre 22 na revolver, 18 cal. 38 revolvers, apat na shotgun, at isang kalibre .45.

Kaya lang wala si Lee nang i-serve ang warrant kaya’t sa korte na lang n’ya haharapin ang kaso n’ya. Araguuyyyy! Hak hak hak! Napuri na naman ang NPD director ni Eleazar na s’yang nagpresenta ng mga armas sa media sa isang press briefing sa Malabon, di ba mga kosa?

Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na beterano sa labanan itong si Anduyan, lalo na sa giyera vs Maute at ISIS-inspired group sa Marawi noong nakaraang mga taon at alam ‘yan ni ret. Gen. Carlito Galvez, ang presidential adviser sa peace process. Hehehe!

Si Galvez kasi ang hepe ng AFP noong kasagsagan ng labanan sa Marawi City at isa si Anduyan sa mga nag-lead ng operating troops doon na nakasagupa kina Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Omar Maute. Kaya’t noong ma-aasign si Anduyan sa Manila Police District (MPD) madami din s’yang accomplishment laban sa kriminalidad at droga, di ba mga kosa?

Matapos malipat sa NPD, nagpasiklab si Anduyan at aabot sa P2.2 billion na droga ang nakumpiska n’ya kasama ang iba pang unit ng PNP, lalo na ang Eastern Police District (EPD) sa pamumuno ni Chief Supt. Bernabe Balba. Hehehe! Nakahalata na ba kayo mga kosa?

Kung sabagay, itong pag-recover ni Anduyan ng mga loose firearms ay alinsunod sa kautusan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na linisin ang kalsada ng loose firearms para maging mapayapa ang darating na midterm election. Hak hak hak! May pahabol pa eh! Kung sabagay, everybody happy dito sa Supalpal ngayon! Kaya lang ang pumalit kay Anduyan sa MPD na si Sr. Supt. Vicente Danao ay madami ding accomplishment subalit puro mga gurami. Potaahhh! Magpasiklab ka naman Col. Danao Sir. Abangan!

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with