^

Punto Mo

EDITORYAL - Passport mess isaayos agad

Pang-masa
EDITORYAL - Passport mess isaayos agad

WALA naman daw malaking problema ang pagtangay ng passport data ng dating private contractor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ayon kay Sec. Teodoro Locsin Jr. Niliwanag din niya na hindi na kailangang mag-provide ng bagong birth certificate ang mga magre-renew ng passport. Wala raw dapat ikabahala sapagkat wala pa namang nagli-leak na mga impormasyon mula sa mga tinangay na data.

Mabuti naman at agad pinawi ni Locsin ang pangamba ng mga magre-renew ng passport. Mala­king ginhawa ito sa kalooban. Ganunpaman, dapat maisaayos ang nangyaring pagkakawala ng mga data at baka magkaroon ng problema sa hinaharap. Maa-ring ngayon ay wala pa pero pagdating ng araw, baka may mga lumutang na malaking alingasngas ukol dito at maapektuhan ang mamamayan.

Isang malaking relief para sa mga overseas contract worker na magre-renew ng passport ang hindi na magdadala ng bagong certificate. Malaking abala ito kung pipila pa sa pagkuha ng bagong birth certificate at maghihintay pa ng ilang araw. Paano kung nakatakda nang umalis o bumalik sa bansang pinagtatrabahuhan ang OFW? Baka maapektuhan ang kanyang trabaho dahil dito.

Ang contractor na tumangay umano ng mga passport data ay ang Francois-Charles Oberthur Fidu-cia­ire, isang French company. Wala namang gaanong ibinigay na detalye kung bakit biglaang na-terminate ang kontrata ng Oberthur sa DFA. Maraming data ang natangay na ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde ay banta sa pambansang seguridad.

Isang malaking katanungan ngayon ay kung bakit kailangan pang ipakontrata pa ang pag-print ng passport sa banyagang kompanya? Puwede namang ang National Printing Office o Banko Sentral ng Pilipinas ang mamahala sa printing ng passports.

Noong panahon ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, kinontrata ng DFA ang FCOF ng France para mag-print ng passports. Noong panahon ni Pres. Noynoy Aquino, kinontrata ang Apo Production Unit at United Graphic Expression Corp (UGEC) para mag-print ng passport. At ngayon, panahon ni President Duterte, ang Oberthur ang kinontrata.

Pawang pribadong kompanya ang kinukontrata gayung maaari namang ang gobyerno ang gumawa. Kung gobyerno ang nagpasilidad, walang kakaba-kaba na tatangayin ang mga data gaya ng ginawa ng French company. Sana ay mapag-isipan ito ng DFA. Para ito sa kapakanan ng bansa.

vuukle comment

TEODORO LOCSIN JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with