^

Punto Mo

Mga nangyari noon sa kasalan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… nina Prince Charles at Princess Diana na isinekreto sa publiko

SABAGAY, matagal nang pumanaw si Princess Diana at natupad na ang pangarap ni Prince Charles na maging asawa ang babaeng tunay niyang mahal—si Camilla Parker Bowles. Magkaganoon pa man, masarap pa rin pag-usapan ang nakaraan nilang dalawa. Mula sa preparasyon ng wedding hanggang sa mismong araw ng kasal, marami palang nangyaring kapalpakan, na siyempre ay itinago ng royal family sa publiko. Base sa Pinoy na paniniwala, ito ay mga senyales na magiging magulo ang pagsasama ng mag-asawa.

Namantsahan ang Wedding Gown

Naisuot na ni Diana ang wedding gown. Kinuha niya ang bote ng perfume, iniumang niya sa sarili ang perfume para iisprey sa braso. Kaso nabitawan niya ang bote, tumapon ang laman sa white wedding gown. Nagmantsa ang perfume sa gown kaya nang nagmamartsa na siya patungo sa altar, hinahawakan niya ang bahaging may mantsa para maitago ito. Akala ng mga tao ay itinataas lang niya ang gown para hindi matapakan ang laylayan.

Mali ang Nabanggit na Pangalan ni Princess Diana

Habang nagsusumpaan sila na magsasama sa hirap at ginhawa, ang nasambit na pangalan ni Diana ay Philip Charles sa halip na Charles Philip na siyang complete name ni Prince Charles.

Paliit nang paliit si Princess Diana

Alam n’yo bang 15 times nag-fitting ng wedding gown  si Dia­na dahil tuwing magsusukat, papayat siya nang papayat. Mula sa baywang na 29-inch waist, ito ay naging 23.5-inch waist.

Kung ikokonekta sa mga kuwentong lumabas, engaged pa lang ang dalawa ay nabisto na ni Diana ang lihim na pakikipagrelasyon si Charles kay Camilla. Sa katunayan, gusto na niyang umurong sa kasal. Ito ang dahilan ng sobrang pagbaba ng kanyang timbang.

Binago ni Diana ang pangungusap sa traditional wedding vows

Hindi niya isinama ang salitang “obey” na nakapaloob sa wedding vows pero wala siyang binago sa bahaging “love him, comfort him, honor and keep him in sickness and health”. Bago pa man maganap ang kasalan, batid na ni Diana ang katotohanan—hindi siya ang totoong minamahal ng lalaking pinapakasalan niya sa oras na iyon kaya sinadya niyang i-delete ang salitang “obey”.

vuukle comment

KASALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with