^

Punto Mo

Kabi-kabilang party: Road accidents inaasahang tataas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kabi-kabila na naman ang matitinding mga aksidente sa mga lansangan.

Maraming buhay na ang nasayang, marami pa ang nasugatan.

At ngayong papalapit na ang  holiday season kung saan kabi-kabila ang mga ginaganap na party ng ating mga kababayan, inaasahang posible pang tumaas ang bilang ng road accidents .

Dahil sa maraming dinadaluhang party, hindi nakakaiwas ang marami sa pag-inom ng alak na isa sa sinasabing dahilan sa pagtaas ng insidente ng aksidente sa lansangan.

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang pasaway na motorista na hindi sumusunod sa payong ‘when you drink, don’t drive at when you drive, don’t drink’.

Pero marami pa rin nag nasusumpungang nakikipagsapalaran at ‘drink nang drink at drive nang drive’.

Hindi lang ang kanilang sarili ang nalalagay sa panganib kundi maging ng iba pang puwede nilang idamay.

Kung may batas naman sa bawal na paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, naku, mukhang sa una lang ito mahigpit na naipatupad. Mistulang  ningas -kugon lang ito, dahil ngayon sangkaterba ang gumagawa nito na hindi nahuhuli.

Bukod sa ilang dahilan eh, may kinalaman din ang i kondisyon ng minamaneho nilang sasakyan, may ilan naman na talagang pasaway sa batas. Yun walang pakiaalam sa kapwa niya motorista, kabilang na dito ang mga kaskasero.

Yung iba tutulog-tulog kahit nasa manibela, literal na natutulog kaya nadidisgrasya . Kaya ang behavior ng ilang driver dahilan rin ng aksidente sa lansangan.

Noon lamang 2017 , base sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot sa 434 katao ang nasawi habang 19,374 ang nasugatan sa national capital region pa lamang.

Ang motorsiklo ang siyang sinasabing may pinakamataas ng kinasasangkutang aksidente.

Kaya ngayon , kasagsagan ng mga party at pagiging busy ng marami dahil sa holiday season, ibayong pag-iingat ang kailangan.

Sana wala nang pasaway, wag na rin sanang mandamay.

Disiplina ang marapat para masalubong ang Bagong Taon nang ligtas.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with