^

Punto Mo

Ang sanggol na inilibing nang buhay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG malamig na umaga ng 1998, nagdya-jogging ang isang babaeng nagngangalang Azita Milanian sa kakahuyan ng Altadena California kasama ang kanyang aso. Napansin ni Azita na hindi na pala niya kasunod ang kanyang aso kaya luminga siya sa likuran. Natanaw  niyang may kinakalkal ang kanyang aso sa lupa. Tumakbo siya patungo sa kanyang aso. Pinanood niya sandali ang ginagawa ng aso nang biglang lumitaw ang maliliit na paa.

Noong una ay inakala niyang patay na hayop ang nakabaon sa lupa ngunit gumalaw-galaw ang paa at may narinig siyang malabong iyak ng sanggol. Tinulungan niya ang aso na halukayin ang nakabaon na sanggol gamit ang kamay. Sa wakas ay naiahon niya ang bata mula sa hukay. Palibhasa ay nakasagap ng hangin, biglang lumakas ang iyak ng sanggol. Gumalaw ang maliliit nitong kamay at mahigpit na humawak sa malaking daliri ni Azita na parang nagpapasaklolo ito.

 Hindi makontak ng kanyang cell phone ang 911 kaya habang karga ang bata ay nagtatakbo siya patungo sa highway. Pinara niya ang unang sasakyan na dumaan at nagpadala sa ospital.

Natuklasang ang bata ay ilang oras pa lang naipapanganak. Inilibing siya ng walang puso niyang ina sa isang mababaw na hukay. Pagkaraan ng ilang araw ay naging maayos ang kalagayan ng bata hanggang sa malaman ni Azita na may umampon daw dito pagkatapos mabigong mahanap ang ina.

Lingid sa kaalaman ni Azita, ang batang nahukay niya ay napapunta sa isang mabuting pamilya. Pagkaraan ng 20 taon, ang bata ay lumaking mabait na anak at nakilala sa pangalang Matthew Whitaker. Maayos siyang pinalaki ng mga umampon sa kanya. Mga 17 years old siya nang matuklasang ampon lang pala siya. Hindi rin naging kaila sa kanya ang madramang pag-rescue sa kanyang sa hukay. Nanawagan siya sa radyo para hanapin ang kanyang ina at ang babaeng tagapagligtas niya. Ang ina ay hindi nahanap ngunit matagumpay nilang nai-locate si Azita.

Makabagbag damdamin ang pagkikita nina Matthew at Azita.

Sabi ni Azita kay Matthew habang yakap niya ito: “Alam mo bang naging mabuti akong ina at asawa dahil sa iyo? Lagi kong iniisip na maging mabuting ina dahil ayokong maranasan ng aking mga anak ang nangyari sa iyo. Salamat sa Diyos at biniyayaan ka ng mabubuting magulang. Pero nalulungkot ako at bigo kang matagpuan ang iyong biological mother”.

“Okey lang po iyon. Hindi na po mahalaga kung makilala ko o hindi ang tunay kong mga magulang. Ang importante ay nagkita tayo para makapagpasalamat sa iyo nang walang katapusan.”

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with