^

Punto Mo

Utol (68)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘MABUTI at hindi mo hinabol ang lalaki, Gerald, baka napahamak ka!’’ sabi ni Nanay Luisa.

 

“Balak ko nga pong habulin ang lalaki pero nakapag-isip ako na baka pain o patibong lang ang pagtakbo niya para sumunod ako. Mabilis kasing nawala ang lalaki. Palagay ko, nagkubli sa mga musuleo. Kung sumunod ako, maaaring tutukan ako ng patalim o baril.’’

“Tama ang ginawa mo, Gerald. Diyos ko bakit nagkalat ang mga magnanakaw ngayon!’’ sabi ni Nanay Julia.

“Wala nang pinipili ang mga magnanakaw nga-yon, Julia. Maski nga ang simbahan ay pinapasok at ninanakawan,’’ sabi ni Nanay Luisa na halatang nanga-ngamba.

“Ano ang hitsura ng la-laki?” tanong ni Nanay Julia.

‘‘Hindi ko po nakita ang hitsura niya dahil nakatalikod. Katamtaman ang taas at laki ng katawan niya, Nanay Julia.’’

“Kung sana ay na­mukhaan mo puwede nating ireport sa barangay.’’

“Oo nga. Dapat kasi ay nagroronda ang mga barangay tanod para nakikita nila kung may ibang tao na nakakapasok dito sa lugar natin.’’

Napahinga si Gerald.

Hanggang may maalala ito.

“Siyanga po pala Nanay Julia, ipalinis mo nga po pala ang dating kuwarto nina Papa at Mama. Bigla ko pong naalala. Matagal ko na ring hindi napapasok ang kanilang bedroom mula nang mamatay si Papa.’’

‘‘Oo sige Gerald. Pero sigurado ako na malinis na malinis iyon dahil laging sarado ang mga bintana.’’

“Pabuksan mo po ang mga bintana para makapasok ang fresh air. Natatandaan ko ang sinasabi ni Mama na dapat binubuksan ang bintana ng kuwarto para may sariwang hangin at nang mawala rin ang amoy kulob ng kuwarto.’’

“Sige ipalilinis ko mamaya, Gerald.’’

‘‘Salamat po, Nanay Julia.’’

“Ano nga pala ang gusto mong lutuin sa tang­halian para ipahahanda ko na sa cook.’’

‘‘Bahala ka na po Nanay.’’

‘‘Sinigang na fresh maya-maya, gusto mo. Alam kong paborito mo ang may sabaw na isda.’’

‘‘A opo, sige po. Aalis lang ako sandali pero babalik din. Dadalawin ko lang ang pagawaan ng banana chips. Baka may mga kailangan ang mga tao roon.’’

“Sige Gerald, pagbalik mo, luto na ang sinigang na maya-maya.’’

“Salamat po.’’

Umalis na si Gerald at tinu-ngo ang pagawaan ng banana chips. Malaki ang pagawaan nila ng banana chips. Nasa 500 katao ang mga workers niya roon. Ini-export niya ang banana chips.

Inalam niya kung may problema ang mga tao roon.

Wala namang problema.

Pagkagaling sa planta, naisipan niyang bumisita muli sa sementeryo. Baka matiyempuhan niya ang lalaki!

Pagdating doon, nagmasid-masid siya at baka nasa paligid ang lalaki. (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with