^

Punto Mo

Psychology Facts

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang pinakamainam na paghihiganti ay mag-move on, ipagpatuloy ang pagtatrabaho at maging matagumpay sa buhay. Hayaang magngitngit sa inggit ang mga kaaway.

Gaano man karami ang ginawa mong maling desisyon or gaano man kabagal ang pag-usad mo sa buhay, don’t worry, nangunguna ka pa rin sa mga taong walang ginagawa kundi tumambay.

Hindi mo makikita nang malinaw ang iyong reflection sa kumukulong tubig. Hindi ka makakapag-isip nang matino kung nangingibabaw ang galit sa puso.

Mahirap mag-isip at mag-analyze kaya mas marami ang mapanghusga.

Kapag ang isang tao ay kulang sa tulog, mas lalo siyang tumatakaw sa matatamis.

Lumiliit ang tsansa na magkaroon ka ng brain tumor kung laging makikinig sa music.

Ang taong hindi mahilig humingi ng tulong sa ibang tao ay nakaranas ng matinding kabiguan noong kanyang kabataan.

Epicaricacy ang tawag doon sa natutuwa ka sa misfortune na nangyari sa isang kakilala.

Ang taong laging sumasayaw ay mas mataas ang self-esteem at mas positive ang pananaw sa buhay kumpara sa hindi mahilig sumayaw.

Ang pinakamahirap na sitwasyon na mararanasan ng isang tao ay ang maghintay. Kaya ang isa sa pinakamasamang tao bukod sa mga kriminal ay taong laging pinaghihintay nang matagal ang ibang tao.

vuukle comment

PSYCHOLOGY FACTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with