^

Punto Mo

Hustisya mabilis na nakuha ng pamilya ni Kian

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

“Guilty beyond reasonable doubt”.

Iyan ang naging desisyon ng korte laban sa tatlong pulis-Caloocan na sangkot sa pagkapatay sa binatilyong si Kian delos Santos sa sinasabing isang drug operation sa lungsod noong Agosto ng nakaraang taon.

Mahigit isang taon ang nakalipas nang maganap ang insidente at halos anim na buwang paglilitis sa kaso nakamit na ng pamilya ni Kian ang hustisya nang magpasya na ang korte.

Pinatawan ang tatlong pulis ng reclusion perpetua o pagkakulong mula 20 hanggang 40 taon na walang parole na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz.

Sa 35-pahinang desisyon ni Caloocan RTC Branch 125 Judge Rodolfo Azucena Jr. pinagbabayad din ang tatlo ng P345,000 para sa civil, moral, actual at exemplary damages.

Nakasaad sa desisyon na; “The court commiserates with our policemen who regularly thrust their lives in zones of danger in order to maintain peace and order and acknowledges the appre­hension faced by their families whenever they go on duty. But the use of unnecessary force or wanton violence is not justified when the fulfilment of their duty as law enforcers can be effected otherwise. A shoot first, think later attitude can never be countenanced in a civilized society.”

Depensa ng mga akusado na nanlaban si Kian na kabaligtaran sa kuha ng closed circuit television camera na nakitang kinakaladkad ng mga pulis patungo sa direksyon ng Tullahan River ilang minuto bago siya matagpuang patay dahil sa tama ng bala.

Sa panig ng DILG, maging babala umano ito sa mga pulis na nang-aabuso sa kanilang tungkulin. Hindi ito-tolerate ang mga scalawag at ang hindi marunong sumunod sa rule of law sa kanilang pagseserbisyo.

Sa kabila naman nito, hindi umano makaaapekto ang naging desisyon sa drug war ng pulisya, pero babantayang mabuti ang mga tauhang aabuso rito.

Sana maging simula na rin ito na hindi tulugan sa korte ang kaso na ang iba pa nga ay nagkakalimutan kalaunan.

vuukle comment

KIAN DELOS SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with