^

Punto Mo

Utol (58)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGULAT sina Nanay Julia at Nanay Luisa nang dumating si Gerald.

“Gerald, ang bilis mo namang nagawa ang pakay mo sa Liliw? Anong nangyari?”

“Hindi ko po nakita ang aking hinahanap, Nanay Julia, Nanay Luisa.’’

“Bakit?’’

“Mayroon pong pinuntahan.’’

“A pero may pagkakakilanlan ka na sa kanya, Gerald?’’ tanong ni Nanay Luisa na sabik din sa resulta nang paghahanap. Mula nang makausap ni Gerald si Nanay Luisa ukol kay Catalina, pinabalik niya ito sa bahay. Kaya dalawa na ang mayordoma niya sa mansion.

“Opo. May pagkakakilanlan na sa kanya.’’
“Nakausap mo si Catalina sa Liliw?’’

“Hindi po. Patay na siya, limang taon na ang nakararaan.’’

“Ganun ba? Su­malangit nawa ang kaluluwa niya!’’

Ikinuwento ni Gerald sa dalawang matanda ang mga nangyari sa Liliw at kung paano siya naghanap sa anak ni Catalina sa Maynila.
“Siyanga pala, ­Gerald, ano ang anak ni Catalina?’’ tanong ni Nanay Luisa.

“Lalaki po.’’

“Ano ang pangalan niya?’’

“Xander po.’’

“Ilang taong gulang siya?’’

“Hindi po matiyak pero ang sabi ng matandang napagtanungan ko, kasing-edad ko rin at kamukha ko raw sabi naman ng iba pa.’’

“Pareho kayo guwapo!” sabi ni Nanay Julia at saka tumawa.

“Pero sabi po ng mga nakatira sa kalyeng kinaroroonan ng tirahan ni Xander, basagulero raw po at mainitin ang ulo. Wala pong imik pero mapanganib. Marami pong takot kay Xander sa kalyeng iyon.’’

“Bakit kaya lumaking basagulero?”

“Sabi po, dahil sa luma­king walang ama. Parang galit sa mundo.”

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with