^

Punto Mo

The best advice…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Mag-ipon ng pera. Hindi importante kung maliit man iyan o malaki. Basta’t siguraduhing may naitago kang pera kada linggo.

Mag-aral mag-isa at maging independent. Kaunti lang ang may ganyang skill.

Bago maghintay na may magmahal sa iyo, mahalin mo muna ang iyong sarili.

Huwag hangarin na maging mas magaling kaysa ibang tao kundi maging mas magaling sa dati mong kakayahan.

Huwag kang magagalit sa mga taong hiningan mo ng tulong pero tinanggihan ka. Tandaan mo ang sinabi noon ni Albert Einstein: I am thankful to all those who said NO. Because of them, I did it myself”.

Para sa mga Ina: Kung paano mo tinatrato ang iyong mister, ang magiging basehan ng iyong anak na lalaki kung anong klaseng babae ang kanyang pakakasalan pagdating ng araw. Maaaring ikaw ang magiging mode­lo ng babaeng pakakasalan niya o modelo ng babaeng iiwasan niyang ligawan.

The 72-hour rule sa friendship: Kung alam nila na may masakit kang pinagdadaanan at sa loob ng 72 hours ay hindi sila nagpaparamdam para i-check kung okey ka na…move on. Oras na para maghanap ka ng bagong friends. Hindi ka importante sa kanila.

ADVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with