^

Punto Mo

3 itlog sa Bureau of Customs

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

DAPAT alamin ni newly appointed Bureau of Customs Commissioner Jagger Guerrero sa kanyang intel group ang tinaguriang ‘tatlong itlog’ ng Bureau of Customs na mga computer experts.

Sina alyas Abu, Santi at Loyd a.k.a. Kiko, ang tinatawag na tatlong itlog sa Aduana.

Ginamit ang tatlong itlog ng ilang opisyal ng bureau at binigyan pa ng karapatan para gamitin ang computer ng bureau upang alamin ang shipments ng mga bigtime players na magpapasok ng mga kargamento sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, kahit saan pantalan idaan ang mga containers ay kayang tiktikan ng tatlong itlog.

Maganda sana ang layunin ng mga dating opisyal na gumamit sa tatlong itlog ang problema nga lamang kapag namonitor ng mga animal nito ang shipments ng mga bigtime players ay kakausapin nila ang mga ito at kokotongan ng malaking halaga.

‘Kapag hindi nagbigay ng pera tiyak huli o alerted ang shipments.’

Sabi ng ilang customs observers, noong panahon ni dating Customs Commissioner Faeldon ang tatlong itlog ay hindi ginamit kaya wala silang delihensiya at bukod dito ay pinasusubaybayan ang masamang gawin nila para hindi makapangikil.

Hindi biro ang tatlong animal na ito dahil kayang-kaya nila ma-access sa computer ng BOC at makita ang mga paparating na mga kargamento galing sa mga highly risk country at mga consignee/importers ng shipments.

Ang tatlong itlog ay hindi empleado ng customs ang mga ito ay ‘haosiao’ pero magaling sa dokumento.

Hindi biro ang kinitang salapi sa bureau ng tatlong itlog mula ng gamitin sila ng mga dating opisyal dito.

Sana huwag magpagamit si Commissioner Guerrero sa tatlong itlog dahil igigisa siya sa sariling mantika ng mga kamoteng ito.

Abangan.

• • •

Si Ding ‘haosiao’ ng Customs - NAIA

Iba ng gumalaw si Ding ‘haosiao’ sa Bureau of Customs sa NAIA para na rin siyang organic dito. Take note, Customs Commissioner Jagger Guerrero, Your Honor!

Si Ding ‘haosiao’ ang taga - salansan, taga-salubong, taga- puslit ng mga shipments ng mga biaherong hindi nagbabayad ng buwis sa customs arrival area ng paliparan.

Malimit makita si Ding ‘haosiao’ sa tatlong international terminals ng NAIA oras na dumating ang mga kliente niyang may dalang highly taxable goods na ipinupuslit nila palabas ng airport.

Sa labas ng arrival area ang bayaran ng naipuslit na kargamento ng grupo ni Ding ‘haosiao.’

Si Ding ‘haosiao’ ay dating boy-boy ng mga taga-customs sa arrival area pero nagtataka ang ilang airport observers kung paano ito nabigyan ng MIAA access pass para labas masok dito?

Bakit nga ba?

May plantilla ba si Ding ‘haosiao’ sa bureau?

Bukod dito, may kotse na ring gamit si Ding ‘haosiao’ na ipinaparada nito sa press parking area sa Terminal 1 araw-araw.

‘Sir, ang tawag sa kanya ng mga security guards na nagbabantay ng parking area. ‘

Paano ito nakakaparada rito?

Sino ang nagbigay ng authority para rito sa press parking area siya pumarada, ang MIAA kaya?

Abangan.

vuukle comment

JAGGER GUERRERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with