^

Punto Mo

PNP recruits salaing mabuti!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Talagang nagkakasunud-sunod na naman ang mga pasaway na tauhan ng pulisya na nagbibigay batik sa command.

Kaya nga hindi masisi ang mga opisyal ng PNP na madalas na hindi nakakapagtimpi at talagang naibubulalas ang galit dahil sa mga pasaway na tauhan.

Matapos ang kontrobersiya sa bagitong parak na inireklamo ng rape ng isang 15-anyos na dalagita kapalit umano ng kalayaan ng mga magulang nito na hinuli sa ilegal na droga, eto isa na namang PO1 ang nabuking sa akto na gumagamit ng cocaine sa isang high end club sa Global City.

Parehong Metro Manila cops ang dalawang ito, kaya talagang si NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ay nanggagalaiti sa galit .

Paano nga naman, sinisikap ng pamunuan ng maibangon at malinis nang husto ang hanay, sumasabay naman ang mga pasaway na tila walang pakialam.

Sa kabila ito ng sangkaterba na nga naman ang mga nadagdag na benepisyo sa kapulisan, kung bakit nasasangkot pa sa ganitong mga iligal na gawain.

At ang nakakagalit pa nga naman dito, kadalasang mga bagitong parak ang madalas masangkot sa mga kontrobersiya.

Ito marahil ang isa sa dapat na tutukan ng pag-aaral ng pamunuan,. baka nga kasi sa pagrerecruit pa lamang may problema. Baka hindi sapat ang training na ibinibigay sa mga ito , kaya hindi natututo.
Talagang magiging sakit ng ulo ang ganito kapag tuluyan nang nakapasok sa hanay.

Kaya nga sa recruitment pa lang ay dapat masala na nang husto, habang nagte-training tutukan pa rin ang pagsala para pagsabak sa aktuwal na sebisyo kung may makalusot man konti na lang ang sakit ng ulo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with