^

Punto Mo

Bagong fare guide ipaskil muna, bago magtaas sa singil

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi na napigilan, simula na sa araw na ito ay ipapatupad ang taas-pasahe sa public utility jeepneys at buses sa Metro Manila at Regions 3 and 4.

Pero eto ha, may babala ang Land Transporation Franchi-sing and Regulatory Board (LTFRB) sa operator at drivers tungkol dito.

Dapat muna nilang ipaskil ang bagong isyung fare guide sa kanilang mga sasakyan bago sila maningil ng taas-pasahe.

No fare matrix, no fare hike.

Ito rin ang dapat malaman ng mga pasahero para hindi mabiktima ng mga mananamantalang driver na kahit pa nga hindi pa ipinatutupad , nauuna na silang naniningil ng mataas sa kanilang pasahero.

Dito ngayon ay nagkakaroon madalas ng hindi pagkakaintindihan sa dalawang panig na kadalasan pa nga eh pinagsisimulan ng away sa lansangan.

Hanggang kahapon nabatid na wala pang jeepney operators ang nag-apply para sa issuance ng fare matrix, eh sa Lunes pa ang balik ng opisina kaya dapat maging matalino ang mga pasahero tungkol dito.

Dapat din siguro magpakalat ng kanilang mga tauhan ang mga ahensya ng pamahalaan para mamonitor naman ang mananamantalang mga driver.

Base sa inaprubahan ng LTFRB Board magiging P10 na ang minimum fare sa National Capital Region at Regions 3 at 4.

Pisong increase din sa minimum fare ng mga bus sa Metro Manila, habang sa provincial buses naman, inaprubahan inaprubahang mga pagtaas sa sa succeeding kilometer lamang at walang pagtaas sa minimum fare.

Bagamat hindi na mapipigil ang impementasyon, patuloy pa rin umano ang gagawin ditong review ng LTFRB.

Sana naman ay ‘wag magkalituhan sa lansangan kaya dapat itong matutukang mabuti ng mga kinauukulan.

vuukle comment

PUBLIC UTILITY JEEPNEYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with