^

Punto Mo

NCRPO, handa na sa Undas!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

IWASAN muna natin mga kosa ang isyu tungkol sa jueteng ni alyas Mangga sa probinsiya ni Albay Gov. Al Francis Bichara at imbes ay tutukan ang preparasyon ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde tungkol sa security ng All Saints Day ngayong araw. Sa totoo lang, mukhang hindi pa gumagalaw sina Albayalde at PRO5 police director Chief Supt. Arnel Escobal laban sa jueteng ni Mangga marahil dahil sa busy sila sa Undas. Puwede, ‘di ba mga kosa? Hehehe! Sa totoo lang, maging sa Metro Manila lang ay aabot sa mahigit apat na milyon na Pinoy ang inaasahan ni Dir. Guillermo Eleazar, ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na dadagsa sa 78 sementeryo at 31 columbarium sa araw na ito kaya’t mahigit 4,000 na pulis naman ang idedeploy para masigurong peaceful at orderly ang Undas. Hindi malaman ng mga kosa kong pari kung bakit nagsisiksikan ang mga Pinoy sa sementeryo sa Nov. 1 eh sa katunayan puwede naman dumalaw sa mga namatay na kamag-anak hanggang sa Nov. 7. Hak hak hak! Ang mga Pinoy talaga ay mahilig sa siksikan at tulakan, ‘di ba mga kosa?

Umpisa kahapon ay nag-deploy na si Eleazar ng kanyang mga tauhan para giyahan ang mga Pinoy na nagsimula na ring dumalaw sa yumao nilang kamag-anak. Siyempre, nais ni Eleazar na ipaalala sa mga kapwa nating Pinoy ang mga bawal sa loob ng sementeryo tulad ng alak, kutsilyo, itak, baraha, at mga sound system. Natural na kasama rin sa listahan ang mga baril at explosives tulad ng granada at iba pa. Hehehe! Ang hindi lang bawal ay ang mga pagkain at inumin na tubig at iba pang pangangailangan nila sa loob ng sementeryo. At ang magsiguro na hindi maipasok sa loob ng sementeryo ang lahat ng bawal na inumin at kagamitan ay ang mga unipormadong pulis na ma-deploy sa tinatawag na Police Assistance Desks (PADs) na itatalaga sa lahat ng entrance ng mga sementeryo at columbarium. Get’s n’yo mga kosa? Kaya sa mga matitigas ang ulo na mga Pinoy d’yan, sumunod na lang sa mga alituntunin ni Eleazar para hindi kayo bumagsak sa kulungan. Araguuyyyyy! Ayyyy! Ang huling bilin pala ni Eleazar ay ‘wag na magdala ng mga bata, lalo na sa North at South Cemetery sa Maynila dahil tiyak siksikan ang mga Pinoy doon tulad ng nakaraang mga taon.

Tinatayang aabot sa 1.5 milyong Pinoy ang dadalaw sa puntod ng mga yumao nilang kamag-anak, ayon kay Chief Supt. Rolando Anduyan, ang director ng Manila Police District (MPD). Kung hindi naman maiwasang magdala ng bata, aba dapat meron silang dalang papel sa bulsa kung saan nakasulat ang kanilang pangalan at address o di kaya’y ang numerong tatawagan kapag nawala sila. Hak hak hak! O, hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga bilin ni Eleazar kaya’t ‘wag nang magbakasasali mga kosa dahil masikip na ang mga kulungan ng pulisya natin sa Metro Manila.

Inireport naman ni Chief Supt. Bernabe Balba, ang director ng Eastern Police District (EPD) na kahapon pa lang ay nagsimula nang bumuhos ang mga Pinoy na dumalaw sa kanilang yumaong mga kamag-anak sa eastern Metro Manila. Subalit wala namang nerbiyos si Balba dahil may 183 pulis na naka-deploy sa sementeryo sa Pasig City, 204 naman sa Mandaluyong City, 318 sa Marikina City at 56 sa San Juan City. Si Sr. Supt. Ely Cruz, ng Southern Police District (SPD) naman ay nag-deploy ng 720 pulis hindi lang para bantayan ang mga sementeryo sa pitong siyudad at bayan sa kanyang sakop kundi maging ang mga istasyon ng MRT, LRT, at bus terminals. Nanawagan din sa Cruz sa mga Pinoy na ‘wag na magsuot ng mga mamahaling alahas sa pagpunta sa sementeryo. At higit sa lahat, ani Cruz, ay i-tsek ang lahat ng kasangkapan tulad ng gas stove, at gripo para siguraduhing di bumaha at masunog ang kani-kanilang bahay. Aabot naman sa 400 pulis ang i-deploy ni Anduyan sa Manila North cemetery at South cemetery at iba pang sementeryo sa Maynila. Si Chief Supt. Joyet Esquivel, ang director ng Quezon City Police District (QCPD) ay nag-deploy ng 3,263 pulis sa 8 sementeryo at 17 columbarium sa Quezon City. Nagtayo si Esquivel ng 53 PADs sa sementeryo at bus terminals. Hak hak hak! Balikan natin ang jueteng ni Mangga pagkatapos ng Undas. Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with