Maligayang kaarawan,Ka Eduardo
Una sa lahat nais ko po munang bumati maging ng aking buong sambahayan kay Ka Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalaang Pangkahalatan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagsapit ng kanyang kaarawan ngayong araw na ito.
Maligayang kaarawan po Ka Eduardo, at gaya po ng la-ging dalangin ng buong Iglesia sana po ay manatili ang malusog ninyong pangangatawan at higit sa lahat ang patuloy na paggabay sa inyo ng ating Panginoong Diyos para mapangunahan pa ang Iglesia sa kanyang lalong ikasasakdal.
Muli po, Happy Birthday!
• • • •
Ingat sa mga ‘kaluluwang ligaw’!
Pihadong ngayon pa lamang marami na ang magdedeklara ng half day sa trabaho dahil sa pag-uuwian ng marami nating kababayan sa mga lalawigan at ang iba naman ay maglalagi na sa mga sementeryo.
Eto lang ang paalala ng Responde sa ating mga kababayan kung babantayan ang mga puntod ng inyong mga mahal sa buhay, naku bantayan o pabantayan din ninyo ang iiwan ninyong tahanan.
Sa ganitong mga panahong, kakalat ang mga ‘kaluluwang ligaw’. Ligaw , kasi talagang naliligaw dahil ang pinapasok hindi ang kanilang bahay kundi ibang bahay.
Ito ang mga kawatan na sumasalisi at nananamantala sa ganitong mga panahon kung saan busy at wala sa bahay ang marami.
Long weekend kaya pihadong marami ang magsisiuwian sa lalawigan hindi lang para sa Undas kundi para na rin sa nakapag- bakasyon.
Kung ang marami nating mga kababayan pinaghahandaan ang ganitong panahon, naghahanda rin ang mga kawatan na naghihintay ng tamang poagkakataon para sumalakay.
Tandaan hanggat maaari ay huwag iiwang walang tao sa inyong bahay, kung hindi maiiwasan ibilin sa pinagkakatiwalaan ninyong kamag-anak o kapitbahay.
I-check ang mga kandado nang hindi sa pag-uwi ninyo ay ma-stress kayo dahil sa nasalisihan kayo.
Hindi lang sa mga bahay-bahay pwedeng sumalakay ang mga ito, kundi maging mismo sa mga sementeryo na dito madalas na masumpungan ang mga modus ng kawatan.
Ingatan ang mga inyong mga gamit dahil mabibilis ang mga yan at talagang pinaghandaan ang gagawing panloloko at pagsalakay.
Mas matinding police visibility naman ang inaaasahan para mabigyang seguridad ang ating mga kababayan.
Hindi lang ang mga pulis, dapat ding paigtingin rin ng mga tauhan ng barangay ang kanilang pagpapatrulya .
Kaya nga kapag ganitong panahon, tandaan ang kasabihang ‘wag katakutan ang mga patay, kundi mas lalong katakutan ang mga buhay .
- Latest




















